HINDI ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Wala akong ibang magawa kundi ang mapatitig lang sa kanya. Tila nabablangko ang buong sistema ko. Ni hindi ako makapaniwala kung totoo ba itong nakikita ko sa harapan ko. Castiel is in front of me... and he's holding my wrist! Sa naisip na 'yon ay bumagsak ang tingin ko sa palapulsuhan kong hawak niya. Mabilis niya 'yon binitiwan nang makitang naroroon na ang atensiyon ko. "I'm sorry... I just wanted to stop you from running under the rain," utal-utal niyang sabi. Kahit sa boses niya ay mababakas ang ilang. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Literal na hindi gumagana ang utak ko ngayon lalo na't natanto kong talagang nasa harapan ko siya. Tuluyan nang nagkatagpo ang landas namin! "C...Castiel," mahina kong sabi sa pangalan niya nang unti-unti

