SA MGA sumunod na araw ay mas lalong naging nakakabagot ang buhay ko. Mabuti na lang ay nandiyan si Hershey na minsan ay sinasamahan ako. Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot sa tuwing maiiwan na lang akong mag-isa sa penthouse ko. Ang masama pa roon ay ni hindi ko man lang magawang lumabas gaya ng dati. Pakiramdam ko ay nawala ang kalayaan ko. Tamad na tamad ako habang nakahiga sa ibabaw ng kama ko. Hawak ko sa aking kamay ang phone at kasalukuyang kinakalikot ang social media, tinitingnan ang mga bali-balita tungkol sa akin. Sa tuwing may makikita akong post tungkol sa akin na hindi naman totoo ay bumibigat na lang ang pakiramdam ko. Mas lumalala pa ang nararamdaman ko kapag nakikitang may naniniwala sa ganoong post. Ang iba pa nga ay nire-repost ang mga 'yon. B

