BUMUSANGOT ang mukha ko nang wala na akong makitang chocolate drink sa loob ng refrigerator ko. Naubos ko na agad ang binili ni Hershey para sa akin. Napabuntong hininga ako at isinara na ang pintuan ng refrigerator. I will just buy some chocolate drinks at the convenience store. Biglang naging blangko ang mukha ko dahil sa naisip na ideya. Tila may parte sa akin ang ayaw pumunta sa convenience store o lumabas man lang sa condo ko. Pero sa huli ay wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang. Ilang araw ko na rin tinigilan ang pagpunta sa convenience simula nang makita ko muli si Castiel sa lobby ng M Tower. Hindi na rin ako naglalabas ng penthouse ko. Lalabas lang ako kung kinakailangan lang talaga. Tulad ngayon. Nang mabili na ang kailangan sa convenience store ay bumalik na rin ako s

