"CONGRATULATIONS, Valerie." "Thank you, thank you." Hindi mapawi ang ngiti ko sa labi habang inuulan ako ng pagbati para sa natanggap kong mga award ngayong gabi. Naging nominado ako bilang Best Actress sa event na ginanap. At sa lahat ng mga naging nominadong artista, sa huli ay sa akin ipinagkaloob ang naturang award. Bukod sa pagiging Best Actress Award, naging nominado rin sa ginanap na event ngayon ang huling teleseryeng pinagbidahan ko. Sa mga pelikula naman ay naghakot ng award ang "Bullet of Love" dahil sa naging pagsikat nito nang ilabas sa mga sinehan. Kahit ang nagdirektor nito ay nakakuha ng award dahil sa kanyang kahusayan sa ginawang pelikula. Hindi agad ako nakaalis sa mga tumpukan ng tao. Halos ang mga kakilala kong aktor, direktor at producer ay nakapaligid sa akin. A

