"AYOS na ako, anak. Puwede mo na akong iwan dito. Umuwi ka muna sa Pilipinas. Alam kong gustong-gusto mo na roon bumalik." Natigilan ako sa narinig mula sa ina. Blangko ang mukha kong hinarap siya. Maliit siyang ngumiti sa akin. "Nami-miss mo na si Valerie, 'di ba? Sige na, dalawin mo na siya." Napatitig lang ako sa kanya. Base sa itsura niya ay mukhang ayos na siya, hindi tulad nitong mga nagdaang linggo na talagang nagmukhang mahina siya dahil sa sakit niya sa puso. Naging masama ang epekto ng pagkamatay ni Lola sa kalagayan ni Mama. Nagdulot ito para mas lalong humina ang puso niya kaya humantong sa ganitong sitwasyon. Gulong-gulo ako nang mangyari 'yon. Isabay pa na kamamatay lang ng lola ko. Hindi ko alam ang gagawin. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Kaya... kaya tinawagan ko a

