"NAHANAP na namin ang taong nagpakalat ng maling isyu tungkol sa 'yo, Valerie." Napaseryoso ako nang marinig 'yon galing kay Ma'am Grace. Nang makarating kanina ang manager at assistant ko sa penthouse ko, 'di na sila nagsayang pa ng oras at sinabihan agad akong magkakaroon kami ng meeting ngayon dito mismo sa salas. "Who is it?" seryoso kong tanong at mariin na napalunok. Matagal ko nang hinintay na mangyari ito na sa wakas ay malalaman ko na kung sino ang taong nasa likod ng pagpapakalat ng isyu tungkol sa akin. "It was Thea." Saglit akong natulala sa narinig. Nang makabawi mula sa pagkabigla ay napatayo ako sa kinauupuan dala ng sobrang galit. "Ang babaeng 'yon!" Akmang maglalakad ako paalis ng salas nang mabilis akong pinigilan ni Hershey. Mukhang nahimigan niya ang plano ko. "Bi

