"DO you want more snack?" Tumango ako bilang tugon sa tanong na 'yon nang hindi nag-aalis ng atensiyon sa telebisyon. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng espasyo sa tabi ko. Mayamaya ay naramdaman ko na muli ang presensiya ni Castiel sa tabi ko. Napansin ko rin ang inilapag niyang mga junkfood sa ibabaw ng center table. Wala akong imik na kinuha ang mga 'yon at nagbalik na naman ng tingin sa pinapanood naming pelikula. "She's good," sabi ko, pinupuri ang artistang bida sa pinapanood ko. I was so hooked on this movie. "What? That's it?" I exclaimed when the movie ended with a cliffhanger. "Maybe there will be a season two, that's why they ended it like that," usal ni Castiel. "E 'di panoorin na agad natin ngayon ang season two." Mabilis kong kinuha ang remote para hanapin ang kasun

