"IHAHATID na lang kita roon bago ako pumunta sa kompanya," alok ni Castiel. Bahagya akong tumango habang abala sa pag-aayos ng buhok ko. Pinukol ko ng tingin si Castiel gamit ang salaming nasa harapan ko. Doon kami nagpalitan ng tingin. "Is it okay with you?" "Of course, Hon." Mula sa salamin ay nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at naglakad palapit sa akin. Nagtungo siya sa likuran ko at ipinatong ang dalawang kamay sa balikat ko. "At kapag tapos na kayo, i-text mo lang ako at susunduin kita." Napangiti ako sa narinig. "Parang personal driver na kita niyan." "It's fine with me." Bahagyang bumaba ang ulo niya para magkapantay kami. "But you have to pay me." Napailing ako sa narinig. Alam ko na agad kung ano ang gusto niya. Bumaling ako sa direksiyon niya. Doon ko lang na

