"I THINK I should buy a car," sabi ko habang pinagmamasdan sa phone ko ang larawan ng bagong labas na model ng isang sasakyan. "Sabihin mo lang kay Castiel na gusto mo ng kotse, paniguradong mamaya o bukas ay meron ka na," biro ni Hershey dahilan para alisin ko ang atensiyon sa phone ko at sinamaan siya ng tingin. Natawa siya at itinaas ang kamay sa ere. "Siguro ay dapat na rin akong magpalit ng assistant," ganti ko. Mas lalo siyang natawa. "You can never find someone like me, Val. Kaya kung ako sa 'yo, huwag mo na ako pakawalan." Napailing na lang ako sa sinabi niya at inilagay na ang phone sa bag ko. 'Di nagtagal ay tuluyan na kaming nakarating sa M Tower kaya naghiwalay-hiwalay na kaming tatlo ni Hershey at ng driver ko. Nang makarating ng penthouse ko ay nagpadala ako ng mensahe k

