ANA MAE
Ang bilis ng panahon walong buwan na akong nag ta-trabaho dito sa Manila. Mga mabait ang mga amo ko at mga kasamahan ko sa trabaho. Excited na ako bukas para magbakasyon sa amin sa Iloilo. Gusto ko din sabihin kay Haide na baka gusto niyang mag trabaho bilang personal maid ng apo ni Donya Mila. Mabuti dito dahil malaki ang sahod at hindi mainit. Sana lang talaga sumama siya sa akin. Inayos ko na lahat kanina ang aking mga dadalhin pati ang mga chocolate na pasalubong ko sa mga kapatid ni Haide. Nang sinabi ni Dok na pwedi ko'ng dalhin ang mga chocolate naisip ko kaagad si Tom at Mara. Tiyak masaya sila kapag binigay ko na ang mga chocolate sa kanila. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko. Bumaba na ako dahil naghihintay na ang dalawa kong Ate sa baba. Sasamahan nila ako sa mall para magpaalam sa boyfriend ko, este may bibilhin pa ako para kay Mama. Pagbaba ko nasa sala na si Ate Lorna at si Ate Gigi. Hindi ko nakita si Nanay Fe. Baka nagpahinga na siya sa kanyang kwarto. Ala una na rin ng hapon kaya ito ang oras niya ng pahinga.
"Ang saya natin ah? Excited ka na ba'ng magbakasyon sa inyo Ana? O baka excited ka'ng makita ang crush mo?" Pagbibiro sa akin ni Ate Lorna. Habang nanunuod kasi kami nuon ng tv sa kusina. Nakita ko sa commercial ang lalaki na nakita ko nuon sa daan. Bigla akong tumayo at tumili saka hindi ko mapigilan na banggitin na crush ko habang naka turo ang kamay ko sa tv. Siya pala si James Enriquez at isang CEO ng Motorcycle and Auto parts. Simula nuon palagi na nilang akong binibiro. Pupunta kasi kami ngayon sa mall dahil may kailangan ako'ng bibilhin para kay Mama. May malaking picture kasi si James sa mall. Kaya palagi ko'ng pinupuntahan sa tuwing day off namin duon kami pumupunta. Nagpasalamat ako kay Ate Gigi at Ate Lorna na naka suporta sila sa kabaliwan ko, sa crush ko. Kahit daw sa picture manlang maging masaya ako. Dahil suntok sa buwan na makita o makilala ko siya sa personal. May picture na rin ako sa kanya at nasa ilalim ng aking unan kapag natutulog ako. Pero ngayon nasa loob na ng bag ko. Siya ang inspiration ko sa aking trabaho. Mula din nang nakita ko si James hindi na ako nanaginip kay Kuya pogi. Kaya palagi ako'ng humingi ng sorry sa kanya dahil nawala ko na nga ang bracelet na binigay niya. Parang nakalimutan ko na rin siya simula nang makilala ko si James.
"Oo nga! Saka nagpa ganda pa. Tiyak magpaalam siya sa kanyang crush." Sambit naman ni Ate Gigi. Kaya ngumiti lamang ako sa kanila dahil parehong tama silang dalawa. Mag papaalam talaga ako sa crush ko.
"Masayang-masaya talaga ako mga Ate dahil maka bakasyon na ako sa amin. Mayakap ko na muli si Mama at ang best friend ko. Kapag makilala niyo ang best friend ko. Pareho kaming maganda. Saka tama talaga kayo mga Ate. Magpaalam ako sa boyfriend ko na ako lang ang naka alam na boyfriend ko siya." Natatawang sabi ko sa kanila. Kaya tumawa din sila at nag apir sa akin.
"Halika na kayo, naghihintay na si Tatay Ramon sa atin sa labas. Mainipin pa naman 'yun baka iwanan tayo." Yaya sa amin ni Ate Lorna na natatawa. Kaya magkasabay kaming naglakad palabas ng mansyon. Nadatnan namin si Tatay Ramon na nakatayo sa gilid ng sasakyan. Nang makalapit kami kaagad naman siyang pumasok kaya pumasok na rin kami.
"Ana Mae, okay na ba lahat 'yung mga dadalhin mo bukas? Excited ka na ba magbakasyon sa inyo? Kailan ka babalik dito?" Tanong ni Tatay Ramon habang nasa byahe na kami.
"Okay na lahat Tay, saka isang linggo lang ang paalam ko kay Dok. Valdez, Tay. Saka baka isasama ko ang best friend ko, kung papayag siya na magtrabaho kay Donya Mila." Sagot ko kay Tatay Ramon. Tumango naman siya at nagpatuloy sa pag drive. Nag-usap lang kami ni Ate Lorna at Ate Gigi habang nasa byahe. Nang makita ko naman ang picture ni James sa billboard, hindi ko talaga inalis ang aking mga mata hangga't hindi nalampasan ni Tatay Ramon.
"Baka mapasukan ng langaw ang bibig mo Ana. Grabi talaga ang pag sinta mo sa boyfriend mo na hindi niya alam." Natatawang saad ni Ate Gigi. Kaya humaba ang nguso ko sabay kamot sa aking ulo.
"Gigi, hayaan mo na si Ana. Malay mo isang araw nagtagpo ang landas nila ni James na 'yan at maging crush din siya." Nakangiti na wika naman ni Ate Lorna. Kaya ngumiti ako ng ubod ng tamis. Kumplito na talaga ang araw ko dahil nasilayan ko naman ang irog ko. Labing limang minuto ang byahe namin nakarating na rin kami sa Mall. Pagbaba namin parang may pinagkaguluhan ang mga tao. Dahil sa may pagka chismosa kaming tatlo, mabilis kaming lumapit sa mga nagkukumpulan na mga tao at kaagad na sumiksik. Naisip namin na baka may artista. Nang nagtagumpay kami na makadaan sa mga tao. Nanlaki ang aking mata at bigla nalang akong na estatwa ng makita ang boyfriend ko na ako lamang ang nakaalam. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ajo makapaniwala na makikita ko siya ng personal. Sobrang gwapo niya talaga. Walang-wala sa ka gwapuhan ang mga oppa sa K-drama. Napabalik lang ako sa tamang wesyo nang ni yog-yog ajo ni Ate Lorna sa balikat. Pagharap ko wala na si James. Nilibot pa ng aking mata ang paligid ngunit hindi ko na talaga siya makita.
"May mall tour pala siya Ana para kanyang sasakyan na binibinta. Hindi lang pala siya CEO. Minsan model din pala siya katulad ng totoong girlfriend niya." Napangiwe ako dahil pinagdiinan pa talaga ni Ate ang salitang TOTOONG GIRLFRIEND. Biglang nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil may girlfriend na pala si James. Akala ko ako ang girlfriend niya, may totoong girlfriend pala siya.
"Narinig ko ang sinabi ng mga tao. Kanina pa pala siya nandito, paalis na pala siya n'ong dumating tayo. Sayang, sana kanina pa pala tayo pumunta dito." Dagdag na sabi ni Ate Gigi. Kaya naghihinayang talaga ako kung bakit ngayon lang kami nagpunta. Kahit boyfriend ko lang siya sa imagination ko. Masaya talaga ako na nakita siya ng personal.
"Huwag ka ng malungkot Ana. Baka pagbalik mo galing probinsya nakita mo siya ulit. Kaya halika na kayo, mamili na tayo ng dadalhin mo para bukas." Magiliw na wika ni Ate Lorna. Kaya pumunta na kami sa department store upang mamili. Pagkatapos namin mamili, sinamahan ako ng dalawa kong Ate na pumunta na sa malaking picture ni James.
"Smile Ana, tapos hawakan mo ang kanyang labi na parang pinapahiran mo." Utos sa akin ni Ate Gigil habang nakatayo ako sa gilid ng malaking picture ni James para kuhanan ako nila ng pictures. Kaya iba't ibang anggulo ang pag picture ni Ate Lorna. Masayang masaya ako dahil nakapa picture ako ulit sa lihim kong boyfriend. Pagkatapos ng kabaliwan ko, pumunta na kami sa Jollibee upang kumain. Binilhan din namin si Tatay Ramon at Nanay Fe. Pagkatapos namin kumain lumabas na kami ng mall para umuwi. Sakto na alas kwatro na rin ng hapon. Panay ang tingin ko sa picture ni James habang nasa byahe na kami pauwi sa mansyon.
"Ana, in love ka na yata sa picture. Kung makapag salita lang ang picture, kanina pa nakikiusap sa'yo na tigilan mo muna siya kakatingin baka mapunit na." Natatawang saad ni Ate Gigi. Nakatingin Kasi Ako sa hawak ko'ng picture ni James na binigay ni ate Gigi. Nakakuha Pala siya kanina ng picture ni James sakto daw pag harap niya sa kanyang likuran may namimigay. Dahil kanina sa pagkatulala ko hindi ko narinig ang sinabi ni Ate Gigi kaya siya nalang ang kumuha la ra sa akin.
"Picture lang naman Ate. Saka hanggang picture lang siya maging crush ko. May girlfriend na siya, at sa katulad ko. Kahit magkita kami Hindi niya talaga Ako papansinin dahil isa lang akong mahirap at katulong. Kaya tanging sa picture niya nalang ako magpapantasya mga Ate." Magiliw na saad ko sa kanilang dalawa.
"Maganda ka Ana. Kung itabi ka sa mga model at artista. Walang-wala sila sa kagandahan mo. Baka nga kapag mag audition ka sa tv tanggapin ka kaagad. Kaya huwag mong sabihin na hindi ka mapansin. Malay mo may tamang pagkakataon at Oras na magkita kayo si James." Saad ni Lorna.
"Tama! Kaya huwag mawalan ng pag-asa Ana." Sambit din ni Tatay Ramon. Kaya bumalik ang sigla ko sapagkat nasa tabi ko sila at pinapagaan ang loob ko. Nagpasalamat ako sa kanila na nasa tabi ko lamang sila. Parang mga kapatid at Tatay ko na talaga sila.