ANA MAE
"Wow! Ang ganda sa loob Nanay Fe parang palasyo talaga. Nakakatakot pumasok at apakan ang sahig parang mas malinis at makintab pa sa pagmumukha ko." Ani ko kay Nanay Fe. Kung sa labas maganda mas maganda pa sa loob parang hari at Reyna ang nakatira. Kumikinang lahat na mga gamit at parang mahal pa yata sa buhay ko. Pwedi nga dito matulog sa sahig. Grabi talaga, dati sa mga palabas ko lang ito napapanuod. Ngayon nakita ko na sa personal saka mapasukan ko. Ngumiti si Nanay Fe saka hinawakan ako sa kamay.
"Masanay ka na Ana Mae. Ganito talaga kapag mayaman ang nakatira. Sobra pa nga ang ibang bahay dito. Parang simple lang nga sa kanila ang mga ganitong bahay." Paliwanag ni Nanay Fe.
"Hala ganun po ba Nay? Sa amin kapag ganitong bahay bilyonaryo na ang tingin ng mga tao sa'yo." Wika ko. Ngumiti lang siya at ginaya na ajo ni Nanay Fe papasok sa loob. Ipakilala niya daw ako sa mga kasamahan ko. Nasa loob daw sila ng kusina kumakain ng almusal. Hinintay niya daw talaga ako. Ang lawak ng loob umikot pa kami ng dalawang beses bago kami nakarating sa kusina. Sobrang lawak ng kusina parang triple pa sa laki ng bahay namin. Pagpasok namin sa kusina may nakita akong dalawang babae na kumakain. Nang Makita nila kami ni Nanay Fe. Tumigil sila sa pagkain at tumayo habang nakatingin sa akin. Medyo nakaramdam ako ng kaba, baka ayaw nila akong makasama sa trabaho.
"Lorna, Gigi! Si Ana Mae ang bagong kasama natin dito." Pakilala ni Nanay Fe sa kanila.
"Ana Mae, si Gigi at Lorna makakasama mo sila dito." Pakilala naman ni Nanay Fe sa akin.
"Hello po mga Ate, kamusta po? Sana maging magkaibigan tayo." Magalang na bati ko sa kanila.Na kinakabahan.
"Hello Ana Mae, welcome dito. Oo naman maging magkaibigan tayo dito." Magkasabay na sagot ni Ate Lorna at Ate Gigi. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko ayaw nila sa akin. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat. Pagkatapos kami ipakilala ni Nanay Fe. Niyaya na ako ni Nanay Fe na umupo para kumain ng almusal.
"Pagkatapos natin kumain ihahatid kita sa magiging kwarto mo Ana Mae. Magpahinga ka muna at bukas nalang kita tuturuan ng magiging trabaho mo. Magka pamilya tayo dito kaya huwag kang mahiya sa amin.. magtulungan lang tayo sa isa't-isa para gumaan ang mga trabaho natin." Wika ni Nanay Fe habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
"Maraming salamat po Nay. Ang bait niyo po. Ang totoo sobra akong kinakabahan habang papunta dito sa Manila ang akala ko masungit ang mga kasamahan ko. Pero hindi lala, maraming salamat po talaga." Sensiro ko'ng saad. Ngumiti naman si Ate Lorna at Ate Gigi pati si Nanay Fe.
"Mga mabait ang mga amo natin. Kaya huwag ka mag-alala. Maging maayos ka dito. Basta masipag ka lang at mabait Ana Mae. Ipakilala din kita kay Butsoy bukas ang hardenero dito." Saad ni Nanay Fe. Nagpatuloy kami sa pagkain na nag kwentuhan. Tinatanong nila ako tungkol sa buhay ko. Maayos ko naman silang sinasagot. Pagkatapos namin kumain niyaya na ako ni Nanay Fe upang ihatid daw sa magiging kwarto ko. Nagpasalamat at nagpaalam muna ako kay Ate Lorna at Gigi. Pagkatapos sumama na ako kay Nanay Fe. Pagdating namin sa magiging kwarto ko. Napanganga ako, sapagkat ang laki ng magiging kwarto ko. May sariling tv at banyo at may aircon pa. Grabi parang nasa hotel lang ako matutulog.
"Sigurado ba talaga Nay, na ito ang kwarto ng katulong dito? Grabi Nay para isang bahay na sa probinsyana. Kung alam ko lang na ganito pala ang kwarto ng mga katulong sana nuon pa ako nagtrabaho bilang katulong." Natatawang saad ko.
"Sus na bata ka! Sige maiwan muna kita. Magpahinga ka, at kapag magutom ka. Pumunta ka lang sa kusina alam mo naman kung nasaan iyon. Kumain ka nalang kapag wala kmi o Hindi mo kami makita. Sige iiwan muna kita." Paalam sa akin ni Nanay Fe.
"Maraming salamat po talaga Nay." Masayang turan ko. Nang makalabas na si Nanay Fe. Kaagad ako'ng pumunta sa kama, tumalon talon at nagpa gulong-gulong ako sa kama. Ang lambot ng higaan. Feeling ko mayaman na Ako. Napangiti nalang ako sa aking iniisip. Habang nakahiga ako, biglang sumagi sa isipan ko ang gwapong mukha ng lalaki na Nakita ko kanina. Parang pamilyar sa aking ang kanyang ilong at labi. Pero impossible naman na nakita ko na siya nuon. Dahil wala naman akong nakita na kasing gwapo niya. Pinilig ko nalang ang aking ulo saka bumangon. Binuksan ko ang bag ko na may mga damit akala naghanap ng pwedi kong isuot. Nang makakuha na Ako.. Pumasok ako sa banyo upang maligo. Namangha din ako sa loob ng banyo may shower pa at kumplito na rin sa gamit pampaligo.
"Mayaman ka na talaga Ana Mae." Kausap ko sa aking sarili. Napangiti nalang talaga sa mga iniisip ko. Pagkatapos nag-umpisa na kayong maligo. Parang ayaw ko pang tapusin ang pagligo dahil ang sarap ng tubig na dumadaloy sa aking katawan. Parang kalahating oras ako bago tumigil. Pagkatapos ko'ng magbihis. Lumabas na ako sa banyo at bumalik sa kama. Bigla ko'ng naalala si Mama kaya tinawagan ko siya.
"Ma, nandito na po ako sa bahay ng amo ko.Alam.mo ma naging instant mayaman ako Ma. Ang laki ng bahay ng amo ko, parang palasyo Ma. Sobrang ganda at linis. Kumikinang lahat na mga gamit nila at parang mahal pa yata sa buhay ko. Saka ang kwarto ko Ma. Parang kasing laki ng bahay natin. Ganda lala maging katulong Ma." Masayang pag kwento ko kay Mama ng sinagot niya ang aking tawag.
"Mabuti naman anak. Basta huwag mong kalimutan magdasal at magpasalamat sa panginoon. Mag-ingat ka diyan anak. Saka magpakabait. Miss na kita anak." Sambit ni Mama sa kabilang linya na parang umiiyak. Kaya tumulo din ang aking luha.
"Salamat, Ma! Ikaw din diyan Ma. Mag-ingat at huwag magpagutom at magpaka pagod. Miss din kita Ma. I love you Ma." Wika ko kay Mama sa kabilang linya. Nagtagal pa ng kalahating Oras Ang pag-uusap namin ni Mama bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Pagkatapos namin mag-usap ni Mama. Nakaramdam ako ng antok. Kaya humiga na ako ng maayos at pumikit. Maya-maya lamang nakatulog na ako ng mahimbing sa malambot na kama.