CHAPTER SIX

1339 Words
ANA MAE "Nandito na tayo sa Manila Ana, may susundo ba sa'yo? Alam mo ba kung saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Aling Esay. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Opo, Aling Esay! Susunduin po ako ni Tatay Ramon na driver ng amo ko." Magalang na sagot ko kay Aling Esay. Alas sais ng umaga naka daong ang sinasakyan naming barko sa Manila. Mabuti nalang kasama ko si Aling Esay kaya nawala ang kaba ko sa mga malaking alon. "Oh siya halika na. Samahan muna kita hanggang makita mo ang magsusundo sa'yo. Saka hawakan mo mabuti ang bag mo. Huwag mo basta-basta ibigay kung may kukuha kunwari tulungan ka. Pero pagnanakaw ang kanilang motibo. Dito sa Manila kailangan huwag kang magpa loko. Maraming manloloko dito. Kaya mag-ingat at magdasal ka palagi na maging maayos ang pupuntahan mo." Bilin sa akin ni Aling Esay habang naglalakad na kami pababa ng barko. Ang ingay ng buong paligid. Sobrang usok ng paligid. Iba talaga kapag nasa probinsyana. "Maraming salamat Aling Esay. Tatandaan ko po lahat ng bilin mo sa akin." Turan ko. Patuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa nakalabas na kami ng pier. May nakita akong isang lalaki na hindi naman gaano ka tanda na kumakaway sa akin. Nakatayo siya sa gilid ng magarang sasakyan. Kaya sinabi ko kay Aling Esay na may kumakaway sa akin. Sinamahan niya naman ako upang lapitan ang lalaki. Umayos naman ng tayo ang lalaki saka sinalubong kami. "Ikaw ba si Ana Mae, na galing sa probinsya na kaibigan ni Karen?" Tanong ng lalaki. "Ako si Ramon, driver ni Dok. Valdez. Kung Ikaw si Ana Mae. Ako ang sundo mo iha." Malumanay ulit na wika ni Tatay Ramon. "Magandang umaga ho Tatay Ramon. Ako nga po si Ana Mae. Salamat po sa pagsundo sa akin. Kanina pa bro kayo Tatay Ramon? Pasensya po kung naghintay kayo." Magalang ko'ng sabi. "Siya nga po pala! Tatay Ramon si Aling Esay po nakasama ko sa barko. Aling Esay ito na lo si Tatay Ramon." Pakilala ko sa kanilang dalawa. "Maraming salamat Aling Esay sa pagsama sa akin." Dagdag na sabi ko. "Ramon, Ikaw na ang bahala kay Ana Mae. Siya sige Ana Mae, mauna na ako sa inyo." Paalam ni Aling Esay. Yumakap at nagpasalamat muna ako kay Aling Esay bago kami nagpaalam sa isa't-isa. "Pasok na tayo Iha. Para makauwi na tayo. Para makapag pahinga ka muna." Yaya sa akin ni Tatay Ramon. Tumango ako sa kanya at pumasok sa loob ng sasakyan. "Kamusta ang byahe niyo iha? Ilang taon ka na? Hindi ka na ba nag-aaral?" Tanong ni Tatay Ramon habang nasa kalagitnaan na kami ng byahe. "May 18 na po ako Tatay Ramon. Tumigil muna ako sa pag-aaral po. Gusto ko po muna makapag ipon saka na ako babalik sa eskwelahan. Subukan ko lang po mag trabaho sa Manila. Saka salamat po ulit sa pagsundo." "Magustuhan mo dito Iha. Mabait ang amo natin at ang mga kasamahan mo sa loob ng bahay mga mabait din. Kaya tiyak magka sundo kayo. Basta maging mabait ka lang. Matutupad mo talaga ang mga pangarap mo. "Maraming salamat Tay, parang katulad ka rin po ni Papa.n Pero kinuha na siya ni Lord sa amin." Ani ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko si Papa. Kahit pasaway ako nuon sa kanya, mahal niya ako. "Pwedi mo naman akong maging Tatay. Kung gusto mo lang. May anak din ako na kasing edad mo. Parang katulad mo din na mabait." Saad ni Tatay Ramon. Kaya tumango at nagpasalamat sa kanya. Patuloy lang sa kami sa pag-uusap ni Tatay sa byahe. Pero dahil sa stop light huminto siya sa kalagitnaan ng kalsada. Sakto paglingon ko nagtama ang mata namin ng isang lalaki sa kabilang sasakyan. Parang nahiptosimo ako sa kanyang ka gwapuhan. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng gwapo. Daig niya pa ang mga oppa sa K-drama na pinapanuod ko. Parang may magnet ang mga mata ko dahil hindi ko ma-alis ang aking paningin sa lalaki. Sobrang bilis din ng pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako. Walang kurap din ang lalaki na nakatingin sa akin. Ang gwapo niya, ang taas ng ilong, ang ganda ng mata at kilay. Parang pamilyar sa akin ang kanyang ilong at labi. Napalunok pa ako ng ngumiti siya sa akin. Kumurap kurap pa ako kung tama ba ang nakita ko. Hanggang sa nag green light kaya bumyahe na ulit si Tatay Ramon. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil hindi mawala ang paglakas ng pagtibok ng aking puso. "Ana Mae iha! Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ka nakahawak ka sa dibdib mo?" May pag-alala na tanong ni Tatay Ramon. "Ang gwapo niya, parang crush ko na siya kaagad." Wala sa sarili kong bigkas. "Anong sinasabi mo iha?" Napabalik ako sa tamang wesyo ng marinig ko ang boses ni Tatay Ramon. Kaya kime akong ngumiti sa kanya. "May sinasabi ka'ng gwapo at crush. Ano 'yun? Sino ang gwapo at crush mo?" Tanong ni Tatay Ramon. Kumamot nalang ako sa aking ulo saka umiling kay Tatay Ramon. "Huwag mo na ako'ng intindihin Tay. Naalala ko lang ang crush ko na oppa." Palusot ko kay Tatay Ramon. Tinuon ko muli ang aking paningin sa labas ng bintana. Tiningnan ko pa ang nasa kabilang kalsada kung makita ko ang lalaki. Ngunit hindi ko na makita. May kung anong lungkot akong naramdaman na hindi ko alam ang dahilan. Hanggang sa nakita ko ang kanyang picture sa billboard. Kaya nanlaki ang mga mata ko. "Ang gwapo gwapo mo talaga." Mahinang sabi ko. Hindi na mawala ang aking ngiti hanggang sa huminto ang sasakyan ni Tatay Ramon sa isang malaking gate na may mga body guard. Binuksan ni Tatay Ramon ang bintana ng kanyang sasakyan pagkatapos bumukas ang gate. Nagpasalamat si Tatay Ramon at nagpatuloy sa pagbyahe. Napangiti ako habang nakatingin sa mga malaking bahay. "Wow! Tay!! Grabi parang mga palasyo ang mga bahay. Ang lalaki at ang ganda. Dito ba ang bahay ng amo natin tay?" Mangha ko'ng tanong kay Tatay Ramon. Ang sarap sa mata ng mga magandang bulaklak at mga malaking mga puno ang linis tingnan. "Ganito talaga ang mga Bahay ng mga mayaman iha. Kaya masanay ka na. May mga artista, pulutiko din na nakatira dito. Kaya sobra ang siguridad sa buong paligid. Hindi ka basta-basta makalabas, PASOK sa subdivision. Kailangan pa ng Id kung hindi kilala. Kaibigan ko ang isang security guard kanina kaya hindi niya na ako hinanapan ng I'd." Paliwanag ni Tatay Ramon. Tumango-tango lang ako habang nakatingin pa rin sa labas. Hanggang sa huminto muli ang sasakyan ni Tatay Ramon sa malakiat mataas na gate. Bigla nalang itong bumukas kahit walang tao. "Wow! Tay! Ang astig ng gate po. Galing galing naman Tay." Masigla kong sabi. Ngumiti lang si Tatay Ramon saka nagpatuloy sa pag drive. Pagpasok namin sa gate nagsara ulit kaya napa wow talaga ako. Namangha ako ulit sa sobrang ganda ng paligid ng bahay. Parang nanaginip lamang ako. Hanggang sa huminto ulit si Tatay sa may maraming iba't-ibang sasakyan na naka helera lamang. Nang maayos na ni Tatay Ramon park ang kanyang sasakyan. Niyaya niya na akong bumaba kaya sumunod naman ako kaagad sa kanya. May sumalubong sa amin na hindi naman gaano ka tanda na babae. "Fe, nandito na si Ana Mae." Bati ni Tatay Ramon. "Fe, si Ana Mae. Ang bagong kasamahan niyo. Ana Mae, iha ! Siya si Fe. Ang mayordoma dito." Pakilala sa amin ni Tatay Ramon. Ngumiti ako at bumati. "Magandang araw po!" Magalang na bati ko sa babae. "Magandang araw naman Iha. Pwedi mo ako'ng tawagin na Nanay Fe. Kamusta ang byahe m? Tamang-tama ang pagdating mo. Halika sa loob kumain muna tayo ng almusal saka ka magpahinga. Bukas ka nalang mag-umpisa sa trabaho. Ipakilala kita sa mga kasamahan natin dito. Bukas nalang kita ipakilala sa amo natin dahil wala sila dito ngayon." Saad ni Nanay Fe. Kaya bumaling ako kay Tatay Ramon at nagpasalamat bago sumama kay Nanay Fe sa loob ng mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD