ANA MAE
"Anak, wala ka na ba'ng nakalimutan? Kumplito na ba ang mga dadalhin mo? Kung ayos na ang lahat halika na. Baka mahuli ka pa sa bus." Saad ni Mama. Pagkatapos namin kumain kinuha ko na ang bag na dadalhin ko pa Manila. Kunti lang naman ang dinala ko. Nag text na rin si Karen na na susunduin ako nang driver na ang pangalan daw ay Tatay Ramon. Tatay Ramon daw ang tawag nila sa driver ng magiging amo ko. Isang Doktor daw ang magiging amo saka may asawa na at dalawang anak. Sinabi naman ni Karen na mga mabait ang magiging amo ko. Dahil ang amo niya at magiging amo ko ay magkaibigan. Kaya panatag naman ang loob na lumuwas ng Manila kahit mag-isa.
"Ayos na po Mama. Kunti lang naman po ang dinala ko. Kapag maka sahod na po ako bibili nalang po ako. Saka nasanay na naman po ako na paulit-ulit ang suot ko." Ani ko kay Mama. Kaya lumabas na kami ng bahay upang mag-abang ng trysikel. Sinabi ko na nag kay Mama na ako nalang pero gusto niya daw akong ihatid sa sakayan ng bus. Mabuti paglabas namin may dumaan na trysikel kaya sumakay na kami Mama papuntang terminal ng bus.
"Anak, mag-ingat ka. Ang bilin ko sa'yo tandaan mo, huwag magpa loko sa taga manila." Naluluha na wika ni Mama habang magkayakap kami. Papasok na ako sa bus dahil sinabi na ng konduktor na aalis na ang bus papuntang city.
"Mama, huwag ka nang umiyak. Parang pupunta naman ako sa abroad kung maka iyak at makayakap ka." Pagbibiro ko kay Mama. Dahil ang totoo pinipigilan ko lang din na umiyak. Pilit kong pinasigla ang aking boses para pigilan ang aking luha na lumabas.
"Ikaw talaga na bata ka! Parang gusto mo talaga iwanan si Mama." Sambit ni Mama sabay palo ng mahina sa aking balikat. Kaya kahit may luha ang mata ni Mama tumawa siya at niyakap muli ako ng mahigpit.
"Ba-bye na Ma. Aakyat na po sa bus. Promise po! Pagdating ko sa Manila tatawagan kita kaagad para hindi mo ma-miss ang maganda mo'ng anak." Pagbibiro ko kay Mama. Yumakap ako ng mahigpit kay Mama saka hinalikan ko sa noo.
"Ma-miss kita Ma. Mag-ingat ka dito. Huwag mo na akong alalahanin Ma. Kaya ko na po ang sarili ko." Malambing kong saad kay Mama.
"Sige anak, umakyat ka na. Palagi Kang magdasal anak. Magdadasal din Ako na maging maayos ka sa Manila. Na sana maging mabait ang magiging amo mo at mga kasamahan mo sa trabaho." Turan ni Mama habang naluluha pa rin. Kaya tumalikod na ako kay Mama saka umakyat sa bus. Nakatingin si Mama habang paakyat ako sa bus. Nang makaupo na ako kumaway ako kay mama sa bintana. Nakita ko siya na pinapahiran ang kanyang luha. Kaya hindi ko na rin mapigilan na tumulo ang aking luha. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya para mapigilan ko ang pag-iyak sa sasakyan. Hanggang sa sinabi na ng driver na aalis na kami. Pagtingin ko sa labas ng bintana nakatayo pa rin si Mama kaya ngumig Ako ng malawaka habang kumakaway kay mama habang papalayo ang bus. Nang hindi ko makita si Mama. Sumandal na lamang ako sa aking upuan at pinakawalan ko ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Nang gumaan ang pakiramdam ko, pumikit nalang ako para hintayin ang pagdating ng bus sa pier. Ang hirap din pala kapag mahirap. Usla ko nalang sa aking sarili. Pero kakayanin ko para sa aking pangarap. Habang bumabyahe ang bus nakaramdam ako ng antok. Kaya hindi ko namalayan nakatulog pala ako ng mahimbing.
"Ining gising na . Nandito na tayo sa pier." Gising sa akin ng driver ng bus na sinasakyan ko. Kaya minulat ko ang aking mata. Nasa pier na pala kami at mag-isa na lamang ako sa loob ng bus. Mabuti nalang ginising ako ni Kuya Driver.
"Kanina pa tayo nakarating dito. Pero hinayaan muna kita na matulog dahil maaga pa naman. Pero isang oras na tayo nakarating tulog ka parin. Ang himbing ng tulog mo hindi ka manlang nagising sa ingay ng barko at sasakyan. Sobrang excited mo ba na makapunta ng Manila? Kaya hindi ka nakatulog kagabi sa bahay niyo? Kaya ka nakatulog sa bus?" Natatawang tanong ni Kuya driver. Kaya napangiwe ako at nagpasalamat nalang sa kanya. Dahil totoo ang kanyang hula. Inayos ko na ang aking sarili saka kinuha ang aking bag para bumaba.
"Maraming salamat Kuya. Ang bait niyo po!" Pasalamat ko ulit Kuya Driver.
"Walang anuman Ining. Basta kapag nasa Manila ka na, huwag tulog mantika, baka mapano ka. Marami pa namang loko-loko sa Manila. Mag-ingat ka sa iyong pupuntahan." Wika ni Kuya Driver. Kaya ngumiti ako at tumango sa kanya. Pagkatapos pumasok na ako sa loob para ipakita ang aking ticket. Nang okay na, umupo ako sa waiting area para sa pagpasok sa barko. Alas dies ng umaga pa ang simula ng pag-akyat namin sa barko. Alas nuebe ng umaga pa lamang kaya isang oras pa ang hintayin namin para makaakyat sa barko. Dalawang araw at isang gabi ang byahe ng barko para makarating sa Manila. Kinakabahan ako habang papalapit ang pagdating ko sa Manila. Pero kailangan ko'ng lakasan ang aking loob para makatulong Ako Kay Mama at matupad ko ang laing pangarap na maging isang magaling na Chef balang araw. Pagkalipas ng dalawang oras tinawag na ang mga pasahero upang pumasok na sa barko. Kaya tumayo na ako saka kinuha ko na ang aking bag at pumila na para sa pagpasok sa barko. Pagpasok ko sa barko parang naluluwa pa Ako sa laki. Unang beses ko'ng makasakay kaya medyo nakakatakot. Makikita ko ang mga malaking alon na dumadapya sa gilid ng barko. Pakiramdam ko malulunod ang barko sa lakas ng alon.
"Lord Ikaw na po ang bahala sa akin. Sana po walang mangyari sa akin. Maraming salamat po." Panalangin ko habang nakapikit.
"Ining mag-isa ka lang ba? Natatakot ka ba?" Narinig ko ang boses ng isang babae kaya dumilat Ako ng aking mata. Isang babae na medyo may edad na sa aking harapan.
"Natatakot ka ba? Mag-isa ka lang ba papunta Manila? May kamag-anak ka ba'ng pupuntahan o mag trabaho ka duon?" Mahinahon na tanong ng ginang sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago ako magsalita.
"Mag-isa lang po Ali. Medyo natatakot ako alon. Ang lakas ng hampas sa barko. Parang malulunod ang barko po. Saka magtrabaho po ako sa Manila bilang katulong." Magalang na sagot ko sa Ali. Tumawa naman ng mahina ang Ali.
"Huwag ka'ng matakot ganun talaga. Ako pala si Esay. Ikaw ano ang pangalan mo. Parang ang bata mo pa para magtrabaho? Ilang taon ka na ba?" Tanong ni Aling Esay.
"Ako po si Ana Mae. Mag dise otso na po ako Aling Esay. Hindi lang ho halata sa hitsura ko po." Natatawa ko'ng sagot. Nag-usap pa kami ni Aling Esay. May anak pala siya na pupuntahan sa Manila. Kaya nagpasalamat ako na may kausap ako kaya nawala ang takot ko sa malakas na alon.