Kapwa kami tahimik sa loob ng sasakyan. May tatlumpung minuto na ang nakalipas nang matanggap niya ang tawag, hindi pa rin kami nakakaalis at pakiramdam ko ay hindi na kami matutuloy. Naninikip ang dibdib ko. "Listen, this is very important Kim. A private jet's gonna pick me up and it's waiting for me on the port. I have to leave as soon as possible." Paliwanag nito. His voice sounds urgent, madaling-madaling makaalis para kay Armie? Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang mga mata niyang halos magmakaawa na payagan ko siya. Hindi ako sumagot at nanatili lamang na nakatitig sa mga mata niya. He sighed, marahan nitong pinisil ang kamay ko. "Kim.." "Bakit ka nga aalis? Anong nangyari? Bakit ka babalik ng Seoul?" Sinikap kong mas maging malumanay. Nakikita ko sa mga mata niya ang

