Namumugto ang mga mata ko kinabukasan. Halos hindi ako makabangon dahil sa panghihina. I closed my eyes and remembered everything that happened. Bumuga ako ng isang malalim na hininga at nagsimula na ring mag-ayos para pumasok. Masakit ang ulo ko, nahihilo ako at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I feel so weak that I can even feel my knees trembling. Wala naman akong sakit, hindi ako mainit. Habang nagsusuklay sa harap ng salamin ay napansin kong maputla ako, nangingitim ang mga labi ko and the dark circles under my lashes are more evident now. Kinabahan ako. Agad kong kinuha ang make-up kit ko at mabilis na inayusan ang sarili ko. I dodged the negative ideas as I make way downstairs. Naabutan ko si Xian na nakaupo sa sala habang nagbabasa ng dyaryo. Natigi

