Chapter 10 I messaged her on i********: na nandito na ako sa Katipunan, dito kasi ang usapan namin. I don't know kung ano ang mga gusto niya but she just told me to go at Primo's burger. Nang makita ko siya na pumasok ay napaayos agad ako ng upo. "I already ordered our snacks," Kinakabahan kong sabi. Tipid siyang ngumiti tsaka umupo sa tapat ko. "Sorry, I'm late, nag-overtime kasi yung teacher namin." Paliwanag niya habang inaayos ang mga gamit niya na inilapag niya sa lamesa bago umupo sa upuang katapat ko. "It's okay. Kain muna tayo." Sabi ko. Tumango siya tsaka may kinuha sa wallet niya. Nilabas niya ang teddy bear wallet niya. She's really a sucker for teddy bears, huh? Taka ko siyang tinignan ng abutan niya ako ng pera. "Ito nga pala yung bayad ko," sabi niya tsaka inosenteng

