Prologue
Prologue
"Aren't you coming with us?" Elle asked in a sexy way. I smiled at her and wrapped my hand around her waist. Elle is one of our girl friends. She's wearing her usual outfit. Fitted spaghetti strap black dress that hugged her body tightly that makes her looks sexier.
"I need to finish my assignments so..." I said and shrugged.
"Come on. It's been 2 weeks since you last joined us to go to the bar," She's pouting her lips while looking at me, begging me to come with them. I just shook my head and remove my hand from her waist. We are still not allowed to go to a bar but we are close to the owner kaya nakakapasok kami kahit wala pa kami sa legal age.
We're here in Eros' house. My cousins planned to go to Opium Madrid. They want me to join but I refused because I need to finish my assignments. My father will get mad at me again if I get 89 grades... as if it is so easy to study.
"Dude, next week okay? Come on, stop being a nerd. You're already a genius," Eros said. "Next week, okay?" He asked again.
"Yes, next week," I said and go inside our car then left.
When I enter my house, my little brother went to me. "No party?" He asked while laughing.
I ignore him and walk past him to climb upstairs straight to my room. He'll just aggravate me.
I immediately took off my clothes and go to the bathroom. After taking a bath for like 30 minutes, I walk towards my walk-in-cloth-set to put my clothes on. I wear a plain round neck white t-shirt and black shorts.
I'm done putting my clothes on. I went to my study table while drying my hair using a small white towel. I sat on my chair and opened the laptop to check my assignments.
I throw my towel into the basket and continued to work on my assignments. I still have a lot of things to do. Damn!
At midnight I finish my assignments. After checking and made sure with my assignments that need to be passed tomorrow, I am arranging all my things because my study table is getting messier. I put my books that I don't need on my shelf then I put all my ballpens, pencils, and erasers in my ballpens holder. Some of it I put on my pencil case and put on my bag. After cleaning my table I go to my bed and sleep.
"Babe," Tawag sa akin ni Kylie. Napatingin naman ako sa mga pinsan ko na mga umaktong nauubo. Nakatayo ako dito sa tapat ng table namin sa cafeteria. Noong tinawag niya ako ay naglakad ako palabas ng cafeteria at naglakad sa hindi kalayuan. May mga nakatingin kasi sa amin na ibang istudyante kaya naisipan ko na medyo lumayo.
"Hey," I said and put my left hand to her waist.
"My parents wants to meet you later." She hugged me tightly while looking at me with those round eyes telling me that I should go. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa baiwang niya dahil sa narinig ko.
"Why?" Tuluyan ko na siya binitawan at saka tumayo ng maayos. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya na nagtataka sa inaakto ko at hindi sinagot ang tanong ko.
"Uhm... May lakad kami... ng mga pinsan ko." Pagpapalusot ko. Ayoko maka-meet nang parents ng mga nagiging girlfriend ko dahil para saan pa? Hindi rin naman kami hanggang dulo.
Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at kinunutan ng noo. "Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna yan?" Galit niyang biglang tanong habang nakakunot ang noo at madilim ang tingin sa akin.
"Kylie-"
"What?" Galit niya ulit na tanong. "Alam mo naman na tutol ang parents ko sa'yo diba? Gumagawa na nga ako ng paraan para magustuhan ka nila tapos ganito pa?"
"Kylie hindi kasi pwede dahil-" She cut me off again. Tangina hindi pa nga ako tapos magsalita.
"Baka naman may ibang babae ka lang?" Pang-aakusa niya sa akin habang dinuduro ako ng hintuturo niya. Hinawi ko naman agad iyon bago magsalita.
"What? Wala Kylie." Pero hindi niya ako pinakinggan. She walks out. Napahilamos nalang ako sa muka ko. Hindi man lang pinakinggan yung paliwanag ko.
Tangina, Raze! Anong paliwanag naman sasabihin mo? Na ayaw mo ma-meet ang parents niya kasi 'di ka naman sigurado sa kaniya? Na nasa isip mo na hindi naman kayo magtatagal? Edi lalong nagalit 'yon.
Napailing-iling nalang ako at saka pumunta kung saan nakaupo ang mga pinsan ko. They are looking and waiting for me to come towards them. There's a lot of snacks on the table. Some of my cousins are looking at me while smiling, mocking me some are busy with their own business.
"Ano? Break na kayo?" Tanong ni Dice habang kumukuha ng pagkain na nasa tapat ni David. Iyon agad ang una niyang tinanong noong nagpunta ako dito sa pwesto nila.
"Nope. She's just mad," Sagot ko saka umupo sa tabi ni Eros na katatapos lang mag text.
"Tagal naman," David said. I chuckled.
"Hi Raze." Timmy greets me while her cheeks are blushing and her eyes are looking around. She can't look at me. I smirked because of the way she acted in front of me.
"Hello. May kailangan ka?" Tanong ko habang nag-aayos ng gamit sa bag ko. Katatapos lang ng klase namin at nahuli akong lumabas ng room dahil kinausap pa ako ng prof. ko.
"Uhm... Ano... ibabalik ko lang yung ballpen na hiniram ko kanina." Nahihiya niyang sabi. Kinuha ko nalang ang ballpen sa kamay niyang nanginginig. Kinuha ko nalang kahit wala naman akong pinahiram na ballpen sa kaniya.
"Thanks," I said and go out to our classroom. I know those tactics. Kunyari mag-so-soli ng ballpen sakin kahit wala naman akong pinapahiram na ballpen para lang makausap ako.
Dami ko tuloy ballpen sa bahay.
Pagkalabas ko ng classroom ay nakita ko agad si Eros na may kausap na maputing babae.
Maglalakad na sana ako papunta kay Eros nang bigla akong mabangga kay Aira.
"Ano ba?" Galit niyang bulaslas agad habang masama ang tingin sa akin. Lumuhod siya saka pinupulot ang mga librong nalaglag niya dahil sa pagkakabunggo ko. Lumuhod din naman ako at tinulungan siyang magpulot ng libro niya.
Tumayo ako saka inabot ang libro sa kaniya noong mapulot ko na lahat na kailangang pulutin. Iniabot ko sa kaniya iyon at kinuha naman niya yon ng pagalit.
Problema nito?
"Tumingin ka nga kasi sa dinadaanan mo." Mataray niyang sabi habang inaayos ang gamit niya.
"Tss. Alright, I'm sorry." Inirapan niya lang ako saka naglakad palapit kay Timmy. Nginitian ako ni Timmy na agad sinuway ni Aira. Naiiling at natatawa nalang ako habang pinapanood silang maglakad palayo at mukhang pinagsasabihan pa ni Aira si Timmy.
Nilingon ko si Eros na nakangiting lumalapit sa akin. He looks so happy and something... siguro dahil sa babaeng kausap niya kanina.
"Sino yung kausap mo?" Inakbayan niya ako habang nakangiti pa din. Ako naman ay nagtataka lang na nakatingin sa kaniya. Muka kasi siyang tanga na ngingiti-ngiti. Ayaw naman sabihin kung bakit.
"Wala. Kaibigan lang ng pinsan ko. Let's go." He said while smiling. Naglakad na kami sa hallway ng building namin papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sundo namin.
"Then why are you smiling?"
"I'm just happy. Kasi nagawa na niya akong kausapin. Kasi snob yung babae na 'yon eh. Akala mo walang tao sa paligid niya."
"Type mo?"
"What? No. We're-" Hindi natuloy ni Eros ang sasabihin niya dahil may tumawag sa akin. Kaya napahinto kami sa paglalakad noong nasa kalagitnaan palang kami nang hallway. Nilingon namin kung sino ang tumawag sa akin.
"Raze!" Galit na tawag sa akin ni Kylie. She's furious while walking towards us. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang galit na papunta sa pwesto namin ni Eros. Sumipol si Eros at palihim na umalis sa tabi ko noong medyo malapit na si Kylie sa amin.
"Bakit?" Pagkalapit niya ay agad niya akong sinampal. Natigilan ang mga istudyante na nandito pa kahit na kanina pa ang uwian. I gritted my teeth and looked at her coldly.
Why is she suddenly being like this? She's f*****g slapping me in front of our schoolmates!
"Ano 'tong nalalaman ko na may nililigawan kang kaklase mo?" She looked at me angrily habang nakayukom ang dalawang kamay niya sa gilid niya.
"What? I'm not courting anyone because I'm dating you." I tried to calm myself even I already mad for what she did. She doesn't need to slap me in front of our schoolmates. She can ask me calmly.
"I know you, Raze. Paano ako maniniwala sa mga sinasabi mo." Unti-unti na tumulo ang luha niya habang galit na nakatingin sa akin. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ang mata niya ay punong-puno ng sakit habang patuloy na tumutulo ang luha niya.
"I don't have a problem if you don't want to believe me. It's your choice." I said coldly. I'm not going to explain myself. Why would I? She already slapped me and believe in something already without asking me if it's true or not.
"Are you not going to explain yourself?" She can't believe that I didn't explain myself to her. What's the sense of explaining myself to her? Paniniwalaan lang din naman niya kung ano ang gusto niyang paniwalaan.
"For what? You already concluding something, Kylie. Well..." nagkibit balikat ako. "You're aware naman na hindi din tayo magtatagal," I said honestly because that's the truth and she's aware of that.
"Asshole!" Sigaw niya sa akin. Pinunasan niya ang luha niya saka huminga ng malalim. "Let's break up."
"Okay," Mas lalo siyang nagalit kaya hinampas niya sa akin ang bag niya na agad kong iniharang ang braso ko.
"I hate you!" She shouted before walking away.
Siya 'tong gustong makipaghiwalay tapos noong binigay ko ang gusto niya ako pa din masama?
"Wala ka namang kwentang makipagbreak," Aries said.
Dahil sa ginawa ni Kylie na pag-iiskandalo sa hallway kumalat na ang balita kung paano ako nakipagbreak sa kaniya. Kahit pa konti lang ang mga istudyante no'n, kakalat pa din ang nangyari.
"Hiningi niya 'yon. Binigay ko lang." Walang pakialam na sambit ko. I just eat my food like it's just nothing for me. It's nothing. I'm having a relationship with someone because I'm bored. I'm not like others in my age who are taking the relationship seriously. I'm too young for that.
"Okay din na binigay ni Kuya 'yon. Bakit ka pa mag-i-stay sa isang relasyon na nasira na ang tiwala noong isa? Magiging toxic lang relasyon niyo." My little bro, Renzo said and shrugged his shoulders. Ang bata-bata may alam na agad sa ganito? Saan niya kaya natutunan yang mga 'yan?
"Kahit na. Hindi mo man lang pinigilan?" Natatawang uminom si Aries ng juice sa baso niya.
"Bakit ko naman pipigilan? And beside pupunta na tayo ng Pilipinas. Wala na ding say-say kung ipagpapatuloy namin yon."
"Matagal pa naman 'yon." Aries said while laughing and drink his juice again.
Ilang linggo na ang nakaraan noong nag-break kami ni Kylie at ilang linggo na din kalat. Seriously? Why are they meddling in someone's business? Bakit hindi nalang sila mag focus sa pag-aaral nila kaysa makichismis sa isang bagay na akala mo naman may maitutulong sa pag-aaral nila.
Hindi na ulit ako nag girlfriend dahil aalis na din naman kami... Well, medyo matagal pa naman iyon pero wala ako sa mood mag girlfriend dito ngayon dahil nagiging toxic palagi ang relasyon ko sa mga babae dito. Sa Manila nalang ako maghahanap dahil mag-i-stay naman na kami doon ng matagal pero si Ate at David ang mauunang pumunta ng Pilipinas dahil doon sila mag-aaral ng college habang kami ng iba pang pinsan ko ay mananatili pa dito ng isang taon. Kailangan kasi namin tapusin ang junior high namin dito bago pumuntang Pilipinas.
"Raze!" Tawag ni Ate Charlotte sa akin. I groaned. I'm sure alam na niya ang nangyari.
"What?" Inosente kong tanong. Binatukan naman niya agad ako pagkalapit niya. Inismidan ko siya dahil sa ginawa niya at hinaplos ang ulo ko na binatukan niya.
"Alam mo bang hindi kumakain yung ex mo at nasa clinic siya ngayon, nahimatay. Hindi kumain dahil sa'yo." Galit niyang sabi habang nakaturo sa akin ang hintuturo niya.
"Bakit na ka'y Raze ba yung pagkain niya para di siya kumain?" Piloposopong tanong ni Eros.
"Can't you shut up? 'Wag kang epal. Hindi ka kasali sa usapan." Cleo irritatedly rolled her eyes at Eros.
"Ohhhhh." Hiyawan namin habang tumatawa.
"Ok fight," Dice said while laughing.
"Tumigil nga kayo. Mag-aaway nanaman 'yang dalawa." Inis na pagbabawal ni Aries. Inirapan lang naman sila ni Cleo habang si Eros ay tumatawa pa din.
"At ikaw naman puntahan mo nalang yung ex mo. Kausapin mo. Baka mamatay pa 'yon sa gutom." Umupo si Ate sa bakanteng upuan sa tabi ni Renzo habang si Cleo naman ay sa tabi ni Aries umupo.
"Wag na. Aasa lang 'yon." Mahinahong sabi ni Aries kay Ate. Nakataas naman ang kilay ni Ate habang nakatingin kay Aries. Nagkibit balikat lang si Aries habang nakatingin ito kay Ate. Tiklop lagi si Aries kapag si Ate kausap eh.
"Yeah. I don't want to give her false hope. We're going to stay in the Philippines, anyway." Inilingan nalang ako ni Ate saka kumain.
While eating dinner my father is scolding me about my ex. Well, lagi naman yun ang dahilan.
"You know what son, I care for you and your well-being. I am hoping for your best, especially for the girls you are involved with. I just hope karma won't hit you so hard and be miserable in the future." Pangangaral niya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Daddy at kumain nalang ng matiwasay.