Chapter 42 "Wala na ba kayong naiwan?" Tanong ni Lola sa amin. Umiling lang naman ako. I am not holding a grudge against my cousins. Nagtatampo lang ako at wala ako sa mood na kausapin sila. Ayaw ko lang plastikin yung nararamdaman ko kaya medyo lumalayo ako. And I think I need to stay away from them for a while kasi baka may masabi akong iba. I'm having some thoughts and I don't want to be irrational so I needed the space. Alam kong hindi kami okay... at ayokong magkunwari na ayos lang ang lahat. We have a problem and it concerns our relationship as a family. Napapansin ko din na nagtataka sila Cleo, David and Ate sa kinikilos ko. Renzo doesn't mind because he's busy with his own world. Kung dati si Eros palagi ang katabi ko kapag sasakay kami ng eroplano, ngayon ay hindi. I choose

