Chapter 25 "Raze." Tawag niya sa akin at hinawakan nya ang kamay kong nasa pisngi nya. Napatingin ako sa gawing labas dahil may napansin akong tao na naglalakad palayo. Dahil madilim sa gawing nilalakaran niya hindi ko nakilala kung sino iyon. Ibinalik ko kay Ara ang tingin ko at binitawan ang kamay kong nasa pisngi nya na hawak nya. "Thank you for liking me, Ara..." Maingat kong sabi. Tinitigan ko lang sya. Naaawa ako sa lagay niya. "...but you know that I'm already courting someone, right?" Maingat kong tanong. "I like someone else... and I am not the right guy for you. Deserve mo 'yung lalaking kayang suklian ang nararamdaman mo." Dagdag ko. Saka napatingin sa gawi kung saan ginaganap ang Ball. "Kanina pa nagsisimula ang program. Pumasok kana sa loob." Hinintay ko siyang sumago

