Chapter 23 Excited ang lahat sa dadating na Valentine's Ball. Wala kaming ibang ginawa ng mga pinsan ko at ibang lalaking kaklase kundi mag laro sa cellphone dahil wala naman kaming teacher. Tapos na kasi kami sa lahat ng gagawin namin. Valentine's Ball nalang ang inaasikaso ng ibang kaklase kong kasama sa organization. Ang mga babaeng kaklase ko naman ay pinag-uusapan ang mga damit na susuotin nila at kung sino ang nag-aya sa kanila maging kadate sila. Pinag-uusapan din ng iba kung sino ang yayayain nila. Kahit ang ibang mga lalaki kong kaklase pinag-uusapan kung sino ang yayayain nila. Narinig ko pa na balak nilang yayain si Cleo. Kahit sa taga ibang section nagbabalak yayain si Cleo. Si Cleo naman reject lang ng reject. Kahit kay Aira ay madaming nag-aya pero nirereject niya.

