Chapter 15 Exams day na namin kinabukasan kaya naman hindi kami nagkikita o nagkakausap ni Mav. Nagfocus lang kami sa pagrereview. Habang kumakain ay nagrereview ako ng notes. Kahit sa sasakyan ay nagrereview ako. Ayoko kasi yung magsisisi ako sa huli dahil lang sa hindi ko sinulit ang libreng oras para magreview kaya naman sinusulit ko na para walang pagsisisi na mangyayari sa huli kung sakaling matapos na ang exams at malaman ko ang result. 10 minutes nalang ay magsisimula na ang exam namin kaya tumigil na ako sa pagrereview noong makarating ako sa room. Kailangan kong irelax at ipahinga ng kaonti ang utak ko dahil na-bla-blanko ako kapag masyado akong napapasobra sa pagrereview tapos in the end wala din akong nasagot dahil nawala na lahat ng nireview ko. Mas nakakapanlumo 'yon kung n

