"Hey guys! Guys!" Malakas na sigaw ni Ate Charie pagkalabas namin ng clinic. Halatang-halata sa mukha niya ang kagalakan na i-kinangiti ko ng sobra. Agad naman napatayo ang tatlo naming Kuya at nagtatakhang tumingin sa amin ni Ate Charie. "It's triplets! Damn, it's a freaking triplets! Ang saya diba?! I have a twins and Lara will have a triplets! God! I didn't know na may ganito sa genes natin!" Napatawa ako nang hindi nila malaman kung paano mag-re-react. Sabay-sabay silang lumingon sa gawi ko at si Kuya Tom ang unang lumapit sa akin. "Is it true?" He asked me. Teary eyed akong tumango saka pakita ng songram na kanina ko pa hawak. Sa sobrang tuwa nang mga kapatid ko sa nalaman ay agad kaming dumiretso sa mall para mamili ng mga gamit nila baby. Since alam na namin ang mga gend

