Bandang hapon ng magising ako. Dahan-dahan akong bumangon at nagtungo sa bathroom para sa quick shower. Nagbihis ako ng cotton maternity dress after saka naupo sa kama at tumingin sa kawalan. I heavily sighed saka napatingin sa scattered papers na nasa sahig. Tama ba iyong ginawa ko sakanya kanina? Bakit nakakaramdam ako ng guilt? But, on the other hand, siya iyong sumira sa relasyon namin. Hindi man lang siya nag-effort na kausapin ako at ipaliwanag sa akin ang lahat. Handa naman akong intindihan sa kung anumang rason niya. Handa din ako makinig. Pero nang marinig ko mismo sa bibig niya na pinirmahan niya 'yong annulmemt namin para magpakasal sa iba, parang biglang gumuho lahat ng masasayang alaala namin. At sa nakalipas na buwan, kahit na ayoko ay lagi ko parin siyang iniisip. Ano b

