bc

BABAENG DI KINIKILIG

book_age16+
8
FOLLOW
1K
READ
dominant
goodgirl
comedy
sweet
lighthearted
mystery
first love
school
shy
like
intro-logo
Blurb

"Ako nga pala si King Jasper Esperanza Marquez, 18 years old. Ang hilig ko ay magbasa ng libro, magsulat ng articles, makinig ng musics at tumugtog ng gitara. We can be all friends if you wanted to. That's all." Mahinahong pagpapakilala ko naman sa mga classmates ko sa klase na kapwa seryoso ang mga mukha. May konting kaba akong nararamdaman.

Oo nag aaral palang ako, first year college sa isang private University taking up Bachelor of Science in Hospitality and Restaurant Management. Anlayo sa kursong Agricultural Engineering na gusto ni Daddy Prince para sa akin. Pero wala silang nagawa ni Mommy kundi suportahan ako, kasi ito ang gusto ko. Ito ang kukunin ko para sa sarili ko. Wala na kasing mas isasaya pa sa buhay estudyante kung yung mismong kursong gusto mo ay ang susundin mo.

chap-preview
Free preview
BABAENG DI KINIKILIG
TITLE : BABAENG DI KINIKILIG Genre : RomCom [ C H A P T E R 1 ] [King's POV] "Ako nga pala si King Jasper Esperanza Marquez, 18 years old. Ang hilig ko ay magbasa ng libro, magsulat ng articles, makinig ng musics at tumugtog ng gitara. We can be all friends if you wanted to. That's all." Mahinahong pagpapakilala ko naman sa mga classmates ko sa klase na kapwa seryoso ang mga mukha. May konting kaba akong nararamdaman. Oo nag aaral palang ako, first year college sa isang private University taking up Bachelor of Science in Hospitality and Restaurant Management. Anlayo sa kursong Agricultural Engineering na gusto ni Daddy Prince para sa akin. Pero wala silang nagawa ni Mommy kundi suportahan ako, kasi ito ang gusto ko. Ito ang kukunin ko para sa sarili ko. Wala na kasing mas isasaya pa sa buhay estudyante kung yung mismong kursong gusto mo ay ang susundin mo. Sa klase, tinginan sila saken. Ewan ko ba? Siguro sa pagiging nerdy ko. Nakasuot kasi ako ng eyeglasses ngayon na siya namang nakakatakaw pansin sa kanila, medyo babad kasi ako sa paglalaro sa games ko sa laptop kaya nagkaproblema at medyo lumabo ang mata. Pero hindi yun hadlang sa itsura ko kase mas nakadagdag pa yun sa physical appeal na mayroon sakin. Feeling ko effective naman, kasi yung ibang babaeng nakatingin sa akin ngayon ay hindi magkaumayaw na mapangiti. "Omg... Ang gwapo naman ng katabi mo bes! Pwede palit tayo, kahit saglit lang?" Dinig na dinig ko ang kaluskos ng boses ng isang babae na nakikipagpalitan ng upuan malapit sakin. "Ayoko nga! Akin sya no." Bahagya itong umirap sa kaibigan nito. "Tsaka bes, tignan mo oh, nagdikit yung balat namin. Kinikilig ako waaaah." Dagdag pa naman itong babaeng katabi ko na halos hindi na pabulong ang boses, kundi pasigaw na. Medyo na awkward ako kase, di ko naman ineexpect na ganito ang unang araw ng pagiging college student ko. Andaming tumitingin sa akin. Hindi ito normal, kumbaga, ayaw ko nang ganitong atensyon. Inadjust ko sarili ko sa babaeng katabi ko, kase halos tuklapin na ang balat ko sa kakadikit niya sa akin. "Hi, King ako nga pala si Mae. Ang gwapo mo naman? Pwede akin ka nalang?" Bungad niyang bulalas sa kanyang bibig, kumikinang ang mga mata na aakalain mo ay magiging hugis puso na ito. "Hahaha, salamat," yun lang ang naisagot ko. Binaling ko nalang ang tingin ko sa professor na kasalukuyang nagtuturo sa amin. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon kasi lumaki ako sa bahay lang. Simula elementarya hanggang sa mag high school ako ay home studies ang learning system ko. May sarili akong guro na gumagabay sa sakin at nagtuturo. Pero hindi ibig sabihin na isolated ako sa isang lugar ay hindi na ako sanay makisalamuha sa mga tao. Siguro nga kulang ako sa social relationship, pero hindi hadlang yun para mawalan ako ng kompiyansa makipag-usap sa diko kakilala. Pagkatapos ng klase ay wala akong maisip puntahan kundi sa canteen lamang, gutom ako kaya minabuting doon nalang mamalagi habang naghihintay sa susunod naming klase. Di ko napansin na may bumubuntot sa likod ko. Yung dalawang babaeng katabi ko sa room kanina. Hays. "Sa canteen ba punta mo pogi?" Tanong ni Mae na halos mapunit na ang bunganga niyang kakangiti sa akin. Kabisado ko na yung pangalan niya kasi kanina pa ito nagboluntaryo magpakilala sa akin. "Ah eh, oo e. Bigla ako nagutom. Doon rin ba punta nyo?" Sinagot ko naman ng nakangiti at napakamot pa ng ulo dahil medyo nahihiya pa ako sa kanila. "Sakto! Sabay sabay na tayo, pwede?" Anya niya. "Grabe ang pogi mo talaga no? Wala ka manlang ka pores pores sa mukha, ang red pa ng lips mo at feel ko ang lambot nyan waaaah!" Hinawakan ako sa braso at nagtatalon-talon, ewan ko ba kung kilig yun o ano ba? Mukha kasing timang. "Gaga, anlandi mo halika na nga. Di ka manlang nahiya," pagpuputol na sabi naman nung isang babaeng kasama niya at hinila kaunti ang buhok ni Mae dahil sa kaharutan nito. Buti pa itong kasama niya may sense of, ano nga ba? Sense of kahihiyan? Nakakatuwa silang tignan. Para silang mga bata. Naaaliw tuloy ako sa kanila. Kaya naman sumama sila sa akin sa canteen. Malapit lang yun sa department namin kaya mabilis lang kami nakarating doon. "Oy pogi yan lang kakainin mo? Ang konti at pang mayaman talaga," sabi naman ni Mae habang nakatitig sa pagkaing binili ko para sa akin. Dahan dahan siyang naupo sa upuan sa napili naming table. "Hmmmm, oo. Pang mayaman?" nagtaka ako. "Eh Biskwit, siomai at juice lang naman ito? Hmmmm?" Dagdag ko pang sabi sa kanya na nalito bigla sa naturan niya. Normal lang naman yung kaainin ko pero parang bakit pang mayaman daw? Ganito ba yung pamantayan niya ng mga mayayaman? Pambihira. "I mean, pasensya ka na a hindi kasi ako maka-concentrate sa sarili ko. Ang gwapo mo kasi, naiinis ako. Please pwede bang iuwe nalang kita sa bahay para naman maipaipakilala na kita kila mama?" Usisa naman niyang sabi sa akin. Tinawanan niya ako ng nakakaloko. Natawa nalang ako kasi 'di ko mawari kung bakit ganun na lang kaagresibo siyang gawing jowa niya ako. Nakakaramdam tuloy ako ng di pagkakomportable sa mga pinagsasasabi niya. Ay nako, unang araw palang ng pasok ganito na ang nangyayari, how much more pa kaya sa mga susunid pang araw ang darating, hays. Nakakaewan. Nakakaweirdo! Napapaisip ako kung ganito din ba nararamdaman ni Daddy nung nag aaral pa siya? Ganito ba siya dumugin ng iilang babaeng nagkakandarapa para maging jowa siya? Pambihira talaga. Nakipagkwentuhan ako kila Mae nung sandaling yun, mabunganga siya. Madaldal kasama pati yung kaibigan niyang isa. Awkward talaga, kasi hindi ako sanay sa mga ganung kasama. Tahimik lang kasi akong tao, mas prefer kong makisama sa mga katulad kong online gamer. Mahilig ako sa dota, coc, mobile legends at maglaro sa mga gaming stations sa Mall. Doon ko kasi ginugugol ang free time ko. But anyways, di naman ako ganun ka adik sa paglalaro. Sakto lang. Patayo ako sa kinauupuan ko nang biglang naisipan kong bumili ulit sa stall ng makakain kasi kulang pa yung kinain ko. Minabuti kong bumili nalang ng kanin at ulam. Nakita nila Mae na bumili ako kaya nakisabay na rin sila. "Ano ulam na binili mo pogi?" Tanong niya sakin saka inamoy yung hawak kong pinggan na halos tikman na yung pagkain na nabili ko. Huh? Ang weird! Seryoso ba to? Na-o-awkward na talaga ako sa mga galaw niya. Parang hindi normal sa dalawang ngayon lang nagkausap. Pero nagpatuloy parin ako sumagot at ngumiti sa harapan niya. "Beef Steak to. Marami pa naman pagpilian. Bili ka nalang don, sige mauna na ako balik sa table ha," malumanay lang ang boses ko, tinuro ko kung saan ako bumili. Pagtapos 'nun ay dahan-dahan akong humakbang palapit sa table namin. Pagbalik ko sa table may nakita akong mga babaeng nakaupo, lima sila. Sinakop nila yung table na nireserba namin. Ang aangas! Yung isa nakasumbrero pa na akala mo ang ganda tignan sa kanya. Mga hypebeast! Nakakatawa lang isipin kasi, nakakaya nilang manamit nang ganung kabaduy dito sa loob ng skwelahan. Babaeng tigasin sa paningin ko. Lumapit ako sa kanila. "Hi guys, table namin yan. Nandyaan yung bag namin oh." Nakatingin lang ako sa kanila saka tinuro ang bag ko na nakalagay sa upuan. Tumingin yung apat na babaeng tigasin sa akin. Weirdo! Ang bigat ng kanilang mga titig sa akin. Ano bang klaseng tao mga 'to? Akala nila nakakatakot ang tingin nila ha? Kaya naman ay nakipagtitigan ako. Habang hawak hawak ko ang pagkaing binili ko ay napansin kong dahan-dahang lumingon yung babaeng nakatalikod sa harapan ko, yung may suot na sumbrero. Bahagya kong pinukaw ang tingin ko sa kanya. Nakipagtitigan siya, nakakatakot yung tingin. Ewan ko ba, bigla ako nanlambot at natakot. Siya ata yung lider ng mga to. Ano to? Gangster na mga babaeng tigasin? Langhiya, meron pa pala nun? Di ako nagpatinag sa anumang tingin nila. "Upuan ko yan Miss, baka naman pwedeng lumipat kayo kasi kami naman nauna?" Sinigurado kong kalmado lang ang boses ko para di sila magpanic sa sinasabi ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin sila Mae at yung kaibigan niya. "Hoy! Upuan namin nila pogi yan, baka pwede umalis kayo dyan. Alis! Alis." Sabi naman ni Mae na hindi kinontrol ang kanyang boses. Di pa rin nagsasalita yung lima, tanging yung tinginan nila sa isa't-isa ang naging pag-uusap nila. Nagkaroon ako ng malaking palaisipan sa limang kaharap namin. Napansin ko bahagya na dahan-dahang tumayo yung nakasumbrero at lumapit kay Mae, nanlilisik ang kanyang mga mata bagay na ikinabahala ko. Tang-ina, lagot na. "Gusto mong umupo? Sige upo!" Kinuha ang braso ni Mae, hinila ng may pwersa saka padabog na pinaupo sa upuan. Tarantado yun ah. Tama bang hilain si Mae? "Aray!" Sigaw ni Mae dahil sa sakit na sanhi ng paghila ng babaeng nakasumbrero sa kanya. "Miss, you're not oblige to do that, and besides, we're here inside the school premises and you don't need to act like that. Who the hell are you, huh?" Ako na yung sumagot kase parang di naman tama na tratuhin yung isang estudyante ng ganun ganun lang. At isa pa, estudyante rin naman siya. Nilapitan niya ako. Hindi ko makitang mabuti ang mukha niya dahil hanggang tainga ko lang ang tangkad niya, dahil na rin sa sumbrero na suot niya. "Who the hell I am? Wala ka ng pakialam don, and besides I can do what I want. Naiintindihan mo?" Pabulong niyang sinabi sakin ng klarong klaro sa tainga ko. Para akong nandurog sa swabeng dala ng boses niya. "Wait, this is not the right university for you tho! Especially all of you," dinuro ko sila. "Tutal alam ko nang ugali mayroon kayo. Just try me and you'll see who really I am too," sambit kong may halong sarkastikong tono sa boses ko. Unti unti syang natigil at tumalikod sa akin. "Guys tara na, nakakasira ng araw ang impaktong ito!" Pagtawag niya sa kasamahan niya. Aba teka lang ha, tinawag niya akong impakto? Ulol to ah. Kasabay ng paghakbang palayo sa amin ay siya namang lingon niya sa mukha ko na para bang nagbabanta, para akong pinapatay ng kanyang mga titig. Akala siguro madadala niya ako sa patakot takot niyang yun? Nagkakamali siya. Bakit, sino ba siya dito sa school para i bully kami ng ganun? This is the first day of school! To think na parang exciting pa ang magaganap sa mga susunod pang araw. I'll take note of that. "Ayyyy, ikaw ang superhero namin pogi. Nakakailove ka, bukod sa total package na ang kagwapuhan, matapang pa. Waaaaahh! Buti nga sa mga ambisyosyang tomboys na mga 'yon. Akalain mo tinulak ako?" Tinapik naman ni Mae ang braso ko ng mahina. Nginitian niya ako dahil sa labis nitong pasasalamat sa pagtatanggol ko sa mga babaeng 'yon. Hindi na namin yun pinansin. Nagsimula na namin kainin yung pagkaing pinamili namin. Medyo lumamig nga lang ng dahil sa mga suwail na mga babaeng tigasing yun. Napapaisip ako. Sino ba mga yun? Sino ba yung babaeng nakasumbero? Dapat ko ba siyang katakutan? Tsk. Natapos ang araw na yun ng normal ang pangyayari. Nauwe ako sa bahay. As usual, iba ang sayang nararamdaman ko kapag kasama sila Mommy, Daddy at si Queen, bunso kong kapatid na babae. "Oh, kamusta naman unang araw ng pasok ng baby ko?" Sinalubong ako ni Mommy Jasmine, niyakap ako ng mahigpit. "Baby talaga mommy? Ano ba yan, college na ako yan parin ba tawag mo sa akin?" Nagsumimangot ako na parang bata. "Ay nako anak, pagpasensyahan mo na ang Mommy mo, kasi ganyan lang 'yan maglambing," sambit naman ni Daddy Prince na tuwang tuwa sa paglalambing ni Mommy sa akin. "Hinde, kasi ang gusto ko. Baby ka parin namin hindi ba? Baby namin kayo ni Queen kahit sobrang malalaki na kayo, hindi ba babe?" Sagot naman ni Mommy tapos lumapit kay Daddy, nagyakapan naman silang dalawa. Ang saya talaga kapag nakikita mong ang sweet pa rin ng mga magulang mo. Yung walang problema, puro good vibes lang ganun. Napaisip ako bahagya sa sinapit ko sa school kanina, kaya napatanong ako kay Daddy. "Daddy, anong gagawin ko kapag may babaeng mambully sakin?" Malungkot kong tanong kay Daddy, bagay na nag-iba ng reaksyon ang mukha ni Mommy pagkatingin sa akin. Kaya dali-dali siyang lumapit sa akin. "Bakit anak? Binully ka ba ng babae sa school niyo?" Pag-aalala na tanong ni Mommy. "Nako kung ako sayo anak, kapag binully ka pa nya ulit. Gamitin mo yang kagwapuhan mo. Kuhanin mo ang puso niya gamit 'yang nakakahalina mong s*x appeal, nakatitiyak ako sa susunod na mga araw ay mahuhumaling yun sa'yo," tuwang tuwa namang sagot ni Daddy sa akin na parang bang nakasisiguro itong magandang paraan iyon. "Babe naman! Iba yung bullying ah. Tska malay mo masamang babae yun no." Sinagot naman ni Mommy si Daddy ng nakasimangot. Nakakatuwa silang tignan, parang mga bata parin kapag magtalo. Kinabukasan. Pumasok ako muli sa school. Pag akyat ko palang sa mataas na hagdanan sa main gate ng university namin, ay tinginan na naman ang mga estudyante sa akin. Naka-civilian attire pa rin ako. Ganun kasi polisiya sa school, 'pag freshman allowed kaming magsuot ng kahit ano sa loob ng isang linggo. Pero pagtapos 'nun ay school uniform na. Habang naglalakad ako ay marami akong boses na naririnig. Iba't-ibang boses. Iba't ibang sigawan, nagtatalunan pa yung iba dahil sa karakas kong dala. "Hey first year! Ang gwapo mo! Waaaah!" Sigaw naman nung isang bakla na nasa 4th floor ng Nursing Department. "Ang bango bango niya waaaaah!" Sabi naman ng nadaanan kong limang babae, nagpapacute pa ang mga itsura sa harapan ko. "mygodddd bes! Isang adonis! Ikaw na ba ang adan ng buhay ko? waaaah!" Mga boses ng mga babaeng rinig ko sa may park sa school. Ewan ko, paano nga ba ako mag rereact sa ganitong atensyon na binibigay sa akin? Paano nga ba? Nahihiya ako, nakaka-overwhelming pero aminado akong nakakaramdam ako ng pagkahiya sa kanila. Normal environment ba 'to sa isang private university? O wow! I can't believe this. Pagkarating ko sa harap ng malaking gym sa school ay bigla akong natigil sa paglalakad. Yung sintas ng sapatos ko natanggal. Kaya yumuko ako at inayos ko saglit. Pagkatayo ko ay may biglang bumungad sa aking mga mata na isang babaeng dyosa na anliit ng hulma ng mukha, medyo kulot ang buhok na mahaba. Sexy, makinis ang balat at maputi, at awrang artistahin. Ewan ko, parang nag slow-mo ang paligid ko pagkakita sa kanya. Yung feeling na nakita mo na yung the right one? Pero tila ba napukaw ang tingin ko sa kanya nang nakaramdam ako ng kakaiba, habang naglalakad kasi siya ay may kinuha siya sa bag niya na sumbrero saka sinuot ito. Ah? Yung sumbrero parang pamilyar ah! Siya ba yung kahapon? Ang ganda naman niya? Siya yung babaeng tigasin? Ahhhhh? Grabe ang ganda! Tomboy ba talaga 'to? Waaaaah! itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook