BABAENG DI KINIKILIG ( Chapter 4 )

3159 Words
TITLE : BABAENG DI KINIKILIG Genre : RomCom By : Admin shoji2496 [ C H A P T E R 4 ] Patuloy parin sa pagmamaneho si Neil lulan sa kanyang sasakyan patungo sa gusto naming puntahan. Masaya silang kakwentuhan, nakakadala yung mga pasimpleng trip nila. Mukhang mahahanap ko na ang magiging kaibigan ko dito sa university, sa katauhan nila. Ilang sandali pa ay naaninag na rin ng mga mata namin ang imahe ng Mall, saka niliko ang sasakyan patungo sa parking lot. Pagkababa namin ay nagsimula na namang mag asaran itong mga kasama ko. "Masanay ka na sa amin King, pasasaan pa't makikipagkulitan ka rin sa amin hahaha" pahayag naman ni Sonn sa akin. Punong-puno ng ligaya ang kanyang mga ngiti. Tanging ngiti lang ang tugon ko sa kanyang sinabi. Wala rin naman ako maisagot sa ngayon kasi ramdam na ramdam ko na talaga yung gutom. Nagpatuloy kami sa paglalakad, habang patuloy pa rin sila sa kwentuhan. "May jowa ka ba King?" biglang tanong naman nitong si Jun. "Wala pa, wala pa akong naging jowa sa buong buhay ko." Bigla silang natahimik ng ilang segundo. Nagtinginan sila na para bang nag uusap sila gamit lamang ang kanilang mga mata. Nanlalaki yung mga mata nila saka pinipigilan ang paghalakhak ng kanilang mga bunganga bagay na nakaramdam ako ng pagtataka. Sabay-sabay silang napasigaw sa tawa sa harap ko. Lintek, ano problema sa NGSB? Bakit kailangan nilang tawanan yung status ng lovelife ko? E wala sa bokubolaryo ko ang magkaroon ng jowa-jowa na yan sa ngayon. Kaya nagsalita ako ng puno ng pagtataka. "Mga pre, sa maniwala kayo o sa hinde. Wala pa talaga akong nagiging girlfriend maski isa. Hinde sa natatakot ako magmahal a, oh baka naman isipin nyo bakla ako. Kaya siguro wala pa, kasi mahalaga para sa akin yung salitang effort. Napakaimportante para sa akin ng mga salitang first love at true love. Kaya kung tatanungin nyo ako kung bakit? Kasi gusto ko ang magiging lovelife ko katulad nung sa mga magulang ko." dire-diretso kong naisagot sa kanila ng walang alinlangan. Nagpatuloy parin sila sa kakatawa. Kainis a. Kaya hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa loob ng Mall. Sumunod naman sila sa akin. Di pa rin natigil sa kakatawa si Neil at Andre. "Pre, hindi naman sa nangingialam ako pagdating sa lovelife mo a, di naman masama para sa atin magmahal. And i got your viewpoint about this. Pero pare, ansarap sa feeling ng may mahal ka bukod sa pamilya." inakbayan ako ni Neil, nakangiti ng todo todo sa pagpapahayag ng kanyang saloobin tungkol sa pagmamahal. "Pare naiintindihan kita, mas masarap sa feeling yung magmahal ka sa tamang tao para sa'yo. Isipin mo, para mo na rin kasi nirespeto ung pamilya mo kapag nagmahal ka ng tapat at seryoso sa taong nakikitaan mo ng panghabambuhay na pagsasama. 'Di ba?" di ako magkaumayaw sa pagsagot sa kanilang opinyon na tila ba may kaunting bumabagabag sa akin na diko mawari. "Pare, nakakabilib ka. Atlast, nakapulot ako ng aral tungkol sa pagmamahal sa isang katulad mo. 'Di tulad kasi itong apat na kasama natin, puro lakwatsero pagdating sa mga pambababae. Di kayang makuntento. Pero sana, maranasan mo na yung true love at first love na sinasabi mo. Kasi alam mo, kahit gaano ka pa katibay, kahit gaano ka pa kasensitibo sa gusto mong mangyari? Kapag tinamaan ka ng pagmamahal na yan, nako. Babaliktad lahat ng inaakala mo. Traydor yan pre. Kaya ingat ka sa perfect relationship na gusto mo. Kase kung sino pa yung may perfect relationship, sila yung hindi nagtatagal. Sila yung lubos na nasasaktan. Kaya ang ending, nganga!" di natigil si Andre sa pagpapaliwanag ng kanyang suhestiyon, at kitang kita sa mga mata ang karanasan sa pag-ibig na iyan. Di ako nakapagsalita ng ilang sandali matapos ang mga salitang narinig ko mula sa kanila. May mga sense din pala silang kausap maliban sa may pagkakahawig kami ng mga gusto at trip. Buong akala ko, mga kapreskohan lang alam nila. Maasahan din pala sila kahit papano pagdating sa napakahalagang bahagi ng buhay ko, ang true love. Pagkapasok namin sa loob ng mall ay may napansin akong damit sa isang establishment, nilapitan ko naman sabay sunod sa akin nila Andre, Sonn, Neil, Jun at Aron. Nag abala naman kaming namili ng mga damit ng kaunting sandali. "Nako, gusto ko itong bilhin. Baka naman may magpahiram muna ng pera dyan mga kaibigan. Hahaha." pagmamakaawa naman ni Aron sa amin. "Magkano ba kailangan mo?" agad ko naman syang sinagot. Naisip ko kasi, may pera pa naman akong pwedeng maipahiram sa kanya. "Ah, 679 pesos etong damit. So manghihiram nalang ako ng 700. Bayaran ko rin naman agad bukas. Iniiwan ko kasi allowance ko sa apartment." aniya niya. Agad naman akong sumang ayon at pinahiram siya ng pera. Pagkatapos naman naming mamili ay diretso na kami sa isang establishment para kumain. Kanina pa ako gutom. Parehas kami ng inorder na pagkain sa mga sandaling ito. Habang naghihintay ay nakipagkwentuhan muna ako saglit sa kanila. "Ah King, pare. Matanong ko lang, wala ka bang apartment na inuuwian?" tanong naman itong si Andre sa akin. "Wala pa sa ngayon e, pero balak ko sana kasi medyo malayo ang bahay sa university e. So kailangan ko munang ikompirma sila Mommy at Daddy kung pwede akong maghanap ng apartment." pagpapaliwanag ko naman. "Once na pinayagan ka pre, wag ka mag atubiling sabihin sa akin kasi may mga bakante pa sa apartment namin. Okay yun para magkalapit lang tayo." masayang suhestiyon naman ni Neil sa akin. "Bakit di nalang kaya sabay sabay tayong maghanap ng iisang apartment para sa ating anim. Ako, gusto kong lumipat ng bagong titirhan ah. Kasi, napakaboring doon. Wala manlang ako makausap. Tsaka, gusto ko rin kayo makasama mga pre." banaad naman sa mukha ni Aron ang kalungkutan habang nagpapaliwanag sa kanyang mga sinasabi. Nagtinginan naman kaming lima pagtapos magpaliwanag si Aron sa kanyang saloobin. Diko mawari kung sasang ayon ba sila sa gustong mangyari ni Aron. "Ako pass muna dyan ha, icoconfirm ko nalang kayo kung papayagan ako nila Mommy at Daddy." wika ko. "Ako rin, diko alam kung kakayanin ko pang lumipat. Medyo kapos ako sa pera ngayon e." Jun. "Susubukan ko, pero parang ang aga naman para lumipat na naman ng bagong apartment? Di pa natin nasusulit ang isang buwan para dun sa bayad ng kanya kanya nating apartment ha. Ano yun, nagsayang lang tayo ng pera?" Sonn. "Ako okay lang, basta ba kasama kayo. Iba kasi kapag mga kaibigan mo kasama mo sa isang apartment e. Mas nakakagoodvibes." nakatawang sagot naman ni Andre. "Okay game din ako. Basta sabihan nyo ako kung kailan." sabi naman itong si Neil na animo'y siguradong sigurado na agad sa kanyang desisyon. Ilang sandali pa ay inabot na ng crew ang inorder naming mga pagkain at masayang masaya naman naming inabot yun, ramdam na kasi talaga namin yung gutom. "Woy teka guys. Selfie naman tayo muna." agad namang inilabas ni Neil yung cp nya, itinaas nya ito upang kunan kaming lahat ng litrato. Para lang kaming timang na nagtatawanan habang kumakain. Ang saya saya nilang kasama kahit na sabihin kong ang aga pa para magbigay ng opinyon sa ugali nila. Napaka-natural ng kanilang pakikisama. Kitang-kita rin na gusto rin nila akong makabarkada. "O ayan. Ni-post ko na yung picture. Dudumugin na naman ito ng mga follower ko lalo na't nadagdagan tayo ng isang tropa. Ano nga yung username mo sa insta King, follow nalang kita para ma-i-tag din kita." nakangiting sabi naman ulit ni Neil sa amin. Binigay ko naman agad yun username ko saka nito ni-follow. "Guys, tignan niyo ito. Kilala niyo ba sya?" Agad namang pinakita sa amin ni Andre yung cp nya, napukaw sa amin ang isang account ng isang babae. Ang ganda niya. Para siyang model. Tinitigan namin ng mabuti yung mga litrato na talaga nga namang nakakaaliw tignan. Napaka mahiwagang titigan ang kanyang mukha. "Teka, hindi ba yan yung classmate natin. Si Pipay?" Pagtataka namang sagot ni Jun na hindi pa sigurado sa kanyang sinasabi. Agad namang kinuha ni Neil ang cellphone ni Andre para tignan kung si Pipay nga ba talaga iyon. "Omygad. Siya nga, ang ganda nga niya talaga." pagkamangha namang sagot ni Neil. "Hindi ba tomboy yan? Ibang-iba kasi dating niya sa school kumpara sa mga litrato niya diyan sa insta." sagot ko naman habang nagpatuloy sa kakakain ng inorder namin. "I guess hindi sya tomboy. Sinasadya lang talaga niya kumilos ng matitigas at magdamit ng mga kabaduyan. Tignan mo dito sa mga litrato nya oh. Kitang-kita naman na babaeng babae siya." naguguluhan na ding sagot ni Neil sa akin. "Well i don't know. Baka nga lang diba, siguro nga may rason siya kung bakit ginagawa niya yun sa kanyang sarili." sagot ko ulit. "Ang ganda ganda talaga niya. O sya kumain na nga lang tayo." Neil. Napansin kong kanina pa hindi kumikibo si Sonn. Masyado ata siyang tahimik ngayon. Nakatitig lang siya sa kanyang pagkain na tila ba ang lalim ng kanyang iniisip. Napansin din ata nila Jun at Aron yun kaya naman naunang nagsalita si Aron. "Okay ka lang Sonn? Kanina ka pa parang tuliro dyan." Aron. "Baka naman may problema ka, pwede mo namang sabihin sa amin. Para kahit papano maibsan ng kaunti yung nararamdaman mo. Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita dyan." nag aalala na rin si Jun sa kanyang binibitawang mga salita. Natigil naman kaming kumain at pinukaw lahat ng aming tingin kay Sonn. Bigla naman siyang napangiti ng pilit, ramdam kong may mali sa kanya. "Okay lang ako, ano ba kayo. Hindi ba pwedeng hindi muna ako magsalita ngayon? Kahit ngayon lang? Kasi, dinadasalan ko pa kasi itong pagkain ko, hahaha. Kayo talaga." kita sa mga ngiti nya na may lungkot talaga siyang nararamdaman. Nagtawanan naman kami at di na rin namin pinansin kung anu mang problema meron si Sonn. Nagpatuloy kaming kumain. Mga ilang minuto din 'yon. Nang matapos kami kumain ay tumayo kami at naglakad lakad para mag ikot-ikot sa loob ng Mall habang inaantay namin yung oras ng susunod naming klase. "Akala ko ba didiretso tayo pagtapos kumain sa apartment ko para magbasketball?" saad naman ni Jun na atat na atat na atang humawak ng bola para maglaro. Nagtinginan kami lahat. Agad ko namang pinukaw ang tingin ko sa relo ko para tignan yung oras. Mag aalas dos na. Kasabay din no'n ay agad din namang nagsalita si Neil. "Hindi ba tayo papasok sa next class naten ngayong alas tres? Di pa kasi natin nami-meet lahat ng subject professors naten. Baka mamaya ma-call attention na naman tayo kung next meeting pa tayo papasok guys." pag-aalalang sagot ni Neil sa suhestiyon ni Jun sa amin. Inakbayan naman ako ni Sonn, banaad sa mukha nito ang lungkot. Puno na ng katunangan ang isip ko. Nag aalala ako para sa kanya. Siguro may problema talaga ito. Pero hindi ko nalang pinansin yon kasi baka kung ano pa ang susunod na itatanong ng mga kasama ko. Tinapik ko na lamang sya sa kanyang likod, gayundin ang pagkagulat nya na para bang ramdam niya yung gusto kong ipahiwatig. "Oo nga, cancel muna naten yung laro naten. Papasok muna tayo, kailangan nating mag adjust sa klase natin ngayon kaysa doon sa laro. May marami pa namang pagkakataon. So ano, tara na?" pag anyaya naman ni Neil sa amin. "O sige, nextime nalang den. Kailangan niyong bumawi sa akin ng laro ha." nalungkot naman bigla ang mukha ni Jun sa kanyang sagot. "Oo naman pre." nag thumbs up naman si Aron na nakangiti tanda ng pagsang ayon sa sagot niya kay Jun. Tuluyan na nga namin pininturya puntahan ang daan kung saan pinarking ni Neil ang kanyang sasakyan. Nag aasaran naman si Aron at Andre na para silang mga bata. Di rin naman magkaumayaw na tumingin sa amin ang iilang mga babae sa loob ng Mall. Manghang-mangha naman yung iba sa amin, at yung iilan naman ay panay ang titig at ngiti matapos namin silang titigan na siya namang napagkatuwaan pa naming kuhanan ang kanilang cellphone number. Ganun pa rin ang reaksyon ng mukha ni Sonn, tahimik pa rin siya simula nung nasa table kami sa establishment. May iba talaga sa kanyang kilos. Diko lang mawari sa ngayon. Ilang sandali pa ay narating din namin yung parking lot, ganun pa rin ang pwesto namin kanina, nasa tabi ako ni Neil. Pinaandar naman niya ito at nagsimula na naman sila magkwento ng iba't ibang kwelang karanasan nila. "Matagal na ba kayong magkakakilala?" natanong ko bigla sa kanila dahil pansin ko na talaga yung closure nila sa isa't isa na para bang matagal na talaga silang magkakaibigan. Natahimik sila bigla, maya't maya ay nagsalita si Neil na katabi ko lamang sa driver's seat. "Hahaha nako, kung alam mo lang King. Bago palang kami magkakakilala ng mga yan. Buti natanong mo." nakangiting sagot niya sa akin. Hindi agad ako naniwala sa kanyang sinabi, bukod kasi sa napakakomportable na sila sa isa't isa ay makikita mo na talaga sa kanila yung tiwala nila sa pagkukwento ng kaniya-kaniya nilang buhay. Ibang klase. "Seryoso? Kailan naman?" pagtataka kong tapon ng tanong kay Neil na di pa rin naniniwala. "Ganito kase yan, nakasabayan ko si Sonn nag-take ng entrance exam dito sa university. So that time, wala ako kasama, wala din siyang kasama. No choice ako, para hindi ako maboring kinausap ko iyan. Ang tahimik kase niya. Akalain mo, ako pa unang nag approach sa kanya para kausapin siya. Siya yung kasakasama ko pasikot-sikot sa loob ng university. Wala nga kasi kami kamuwang-muwang kung saan kami pupunta, sa lawak ba naman ng school na iyon. Sumunod naman, nung enrollment syempre kinuha ko na yung cellphone number itong si Sonn kaya sabay kami nag enroll. Sa may registrar, nakasabayan naman namin itong si Aron at Jun magbayad ng paunang bayad sa tuition. Nakakatuwa lang kasi nung nagtanong si Aron sa akin noon para siyang timang na nanginginig. Feeling na takot siyang magtanong sa mga tao. Hahaha. Nakipagkwentuhan sila sa amin kasi ang haba noon ng pila sa cashier, sakto magkasunod-sunod kami ng number na hawak. Kaya ayun nagkuhanan kami ng cp number kasi itong si Jun nagyayaya maglaro ng basketball, trip din kasi namin 'yun. Ang galing nya maglaro alam mo ba?Puro foul nga lang, bolero siguro 'yan pagdating sa love." nakatawang paliwanag ni Neil ng pagkahaba haba. Nakikinig lang ako sa mga sinabi niya. Nakakatuwa lang isipin, bago lang pala talaga sila magkakakilala. "Pero bakit wala sa listahan ng kwento mo si Andre?" di pa rin ako natigil sa kakatanong. "Ah si Andre, nung nalaman naming pare-pareho kami ng course nila Sonn, Jun, at Aron natuwa kami. Pero syempre iba-iba kami ng section noong unang araw ng pasukan. Kaya naman naisipan naming pumunta sa dean's office para ayusin kung paano kami magkakaklasmeyt. Ang ginawa namin nagpa-change block nalang kami para iisa lang ang section namin, siguro napansin mo nung unang araw hindi kami pumasok sa klase, kasi yun nga pinaayos namin yung block at schedule namin. At doon naman namin nakilala si Andre sa dean's office. Humabol kasi itong magpa-enrol, nagtanong-tanong sa amin kung anong gagawin, ewan ko naawa siguro itong si Sonn sa kanya kaya naisipan niyang samahan. Wala na rin kami nagawa kundi sumama din sa kanila. Ang ending, sinama nalang namin sya dito sa block na pinasukan namin. Diba ang astig?" tuwang tuwang kwento naman ni Neil sa akin. Ang babait naman pala itong mga mokong na to. Halata sa kwento niya na napaka approachable talaga nila sa mga tao. Nakakabilib lang. Mabuti naman pala ang rason nila kung bakit nila akong gustong isama sa mga nais nilang mapuntahan. Kasi gusto rin nila akong maging kaibigan. At dahil doon, buo na ang desisyon ko. Sila na talaga ang magiging kaibigan ko sa loob at labas ng university. "Teka lang, diko pa alam mga totoong pangalan niyo. Baka naman pu-pwede malaman?" pabiro ko namang sabi sa kanila na nakatawa. "Neil Andrews Amorsolo" una namang pagpapakilala ng buong pangalan ni Neil sa akin. "Andre Cabrera" sunod namang nagsalita. "Jun Wayde Dominguez" inabot naman ni Jun ang kamay niya sa akin para makipagshake-hands, at tawang tawa pa ang loko. "Aron Wilfred Cabral" malumanay naman ang pagpapakilala sa akin ni Aron. "Merniel Sonn Lacambra" at huling pagpapakilala naman ni Sonn sa akin. Nakakatuwa, sa wakas nakahanap rin ako ng masasabi ko talagang kaibigan. Sumunod naman akong nagpakilala sa kanila. "Ako nga pala si----" naputol bigla ang pagpapakilala ko ng sabay sabay silang nagsalita sa harap ko. "King Jasper Marquez" Natawa nalang kami sa loob ng sasakyan. Kita na rin sa mga mukha nila na masayang masaya sila. Akalain mo yun, kilalang kilala nila pangalan ko. Siguro nga nang dahil sa nangyari kaninang umaga. At nang dahil sa Pipay na yun. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na kami sa loob ng university. Kasabay noon ay naghanap din si Neil ng parking lot malapit sa department namin. Pagkababa namin ay agad namang bumungad sa amin ang mga boses ng tili ng mga babaeng napukaw ang tingin sa amin. "Syete naman! Ang gwapo naman nila!!! Kyaaaaah!" sigaw naman nung mga HRM students din na nakaupo sa may shed sa school. "Pogi, mahal na mahal ko kayo!" sabi naman itong mga babae na nakatambay sa hallway ng HRM building. Nakangiti lang kami sa mga naririnig namin, nakakatuwa lang marinig mula sa kanila yung mga compliments na ngayon ko lang na eexperience kasama ang mga magiging kaibigan ko. Naglalakad kami sa koredor, di parin natigil sa kakatitig ang mga estudyanteng nakakasalubong namin. Para lang silang nakakita ng mga artista sa university. Diko rin naman sila masisisi, sa ganito nga namang kagwapo ang makikita nila. Pambihira, lakas! Ilang sandali ay, nagulat nalang kami ng may biglang bumangga sa may likuran ko at nakarinig ako ng sigaw. "Tabe!" Napaaray ako sa sakit. Kailangan pa talagang banggain kami? Ang lawak ng hallway! Pagkakita ko, putcha yung mga amats na babae na naman. Pipay ang friends. Parang wala lang sa kanila yung pagbangga nila sa amin. Natigil kami bigla at gayundin ang biglang pagtahimik ng paligid. Bigla rin natigil sa paglalakad yung mga babaeng tigasin at sa mismong harapan pa namin. Unti unti namang humarap yung may sumbrero, as usual yung Pipay na naman yun. Tinitigan kami ng masama. "Sa susunod na paharang harang kayo sa dinadaanan namin, hinde lang yan ang aabutin nyo. Naiintindihan nyo?" patapang namang babala sa amin nung Pipay na yun. Nakakaloko! Hindi ba niya alam kung sino kinakalaban niya? Wag nalang niya ako umpisahan kasi hindi ko siya uurungan. Lintek, nakakagigil siya. Napansin ko naman na ibinaling ni Pipay ang tingin nya kay Sonn, ang sama ng tingin niya sa kanya. Iba yung titig niya. Parang may sinasabi ang mga masamang titig na yun kay Sonn. Napansin ko rin kay Sonn na parang may namumuong mga luha sa kanyang mga mata. Diko talaga mawari kung ano bang meron, may problema ba talaga siya? At bakit ganun na lang kanyang nararamdaman pagkakita kay Pipay? itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD