Noong sinabi ko na si Connor ang pangalawa sa nakakairitang kakilala ko , binabawi ko na because right now he just got the number one spot sa mga gusto kong ibaon sa lupa. Gigil kong pinagsasaksak yung manok sa plato ko. Habang tumatagal mas nagiging demanding na siya. Utos here utos there , kutos he want?! Arrgh !! Mag iisang buwan na ako dito at wala paring usad ang case ni Michael Wilson napakahirap maghanap ng lead , malay ko ba kung nasan na siya. Ang totoo nauurat na ako , walang thrill . Gusto ko na ng action ng thrill. Pero kapag inayawan ko ito pare parehas kaming mapapahamak nila Chloe. May isang salita rin naman ako kapag sinabi kong gagawin ko ang misyon na ito gagawin ko. Tsaka malaki na rin ang naibayad ni Connor sa amin na ipinambili lang naman ni Chlorine ng bagong kotse n

