Sobrang bagot na bagot na ako sa loob. Puro tungkol sa business ang pinag uusapan nila . Wala akong magawa kung hindi magdrawing ng magdrawing sa steno notebook ko. Onti onti ko na ngang nakikitaan ng potensyal ang sarili ko sa pagddrawing parang malapit na sa national artist level yung mga drawing ko. Naririnig naman ni Chloe ang usapan namin dahil suot ko ang earpiece ko kaya kapag tinanong ako , sasabihin niya nalang ang sagot saakin. Habang nasa meeting syempre hindi lang pagddrawing ang inatupag ko. Siguro 70% drawing tas yung 30% ay pinapanood ko ang bawat kilos ng pekeng Michael Wilson. Nang matapos ang meeting ay saglit akong nag excuse para mag CR. Tinatawag kasi ako ng kalikasan , ubusin ko ba naman daw yung isang buong bote ng tubig at isang basong ice tea. Iba talaga ang na

