Inaantok akong bumangon. Nag unat ako at para zombie na naglakad papuntang kusina. Binuksan ko ang refrigerator at nagsalin ng tubig tapos sinara ko ulit. Bakit parang feeling ko may dapat akong gawin pero hindi ko maalala. Dinilat ko ang mga mata ko at binasa ang note sa ref ko. "Meeting with the executives at 10 am" Ano to? Kinusot ko ang mga mata ko at muling binasa. WHAT THE F ?!! Nabuga ko yung iniinom kong tubig. May pasok pala ako ngayon ! Damn it to the highest level !! Mabilis pa sa kidlat ay nagpunta na ako sa banyo para maligo ! Bakit ba nawala sa isip ko? Halos magkadapa dapa na ako kakatabo naka heels pa naman ako. Pagkalabas ko ng bahay ay agad kong binuksan yung kotse ko . Wala na akong time mag commute dahil late na late na late na ako. Nilagay ko ang earp

