Chapter 9

1432 Words
Autumn's POV "Tita ! Nandito na po ako!", sigaw ko pagpasok ng bahay at nilapag ang bag ko tapos nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Walang sumasagot saakin kaya nagtaka ako, Nasan kaya ang mga tao rito? Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref para kunin ang pitsel. Akmang isasalin ko na ang tubig nang biglang dumulas sa kamay ko ang hawak kong baso. Napatingin ako sa basag na baso sa lapag at bigla akong nakaramdam ng kaba. Nilapag ko ang pitsel at biglang sumagi sa isip ko si Ate.  Natataranta kong kinuha ang phone sa bulsa ko at tinawagan si Ate Chloe. [ the number you have dialed is either unattended--]  Kinancel ko yung tawag at pinindot ulit ang call.  [ the number you have dialed is either unattended--]  Bakit hindk sila sumasagot !!  Inend ko ang call at napahawak sa sentido ko. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.  "Autumn !! Nandyan kana ba autumn !!",sigaw ng tiyahin ko , napatigil siya sa pagsigaw nang makita ako.   "Kanina pa kita hinahanap ! Halika sumama ka sakin!" Hahawakan niya sana ang braso ko pero napatigil siya dahil sa bubog na nasa lapag pero inalis niya rin agad ang tingin niya roon. "Ano pong nangyayari tita?" "Tulungan mo kong mailabas ang tito mo sa kulungan hinuli siya . Dalian mo ! Gamitin mo yang mga pinag aralan mo para depensahan siya sa mga kumag na pulis.",sigaw niya kaya nagmadali akong sumunod kay tita. Pumara siya ng taxi at mabilis kaming nakarating doon. Pagpasok namin ay marami kaming nasasalubong na pulis na nagsisilabasan. Mukhang may operation sila ah.  "Tumawag ka pa ng back up ! Sabihin mo may barilan na nagaganap sa Airport nandoon ang presidente ng starlight company !" "Yes sir !" Agad tumakbo ang pulis na inutusan tapos may pulis na naman na lumapit dun sa chief. "Sir ! On the way na rin daw po si Detective Kyron" Napatigil ako ng marinig ang pangalan ng detective na hinahangaan ko. Matagal ko na siyang hinahangaan dahil talagang napakagaling niya pero hindi siya nagpapakita sa media kahit pictures sa google wala ! Masyado siyang misteryosong tao "Ano?! Bakit siya nandun?" "May nakapagsabi raw na nandun din si Nightmare" Nightmare. Parang may something ng marinig ko ang pangalang yan. "Tssk. Bakit ba hindi niya mabita bitawan ang kaso sa serial killer na yun ! Magaling naman siya bat niya sinasayang ang oras niya dun. Tara na nga" "Yes sir !"   "Ano ba autumn halika na !" Muli akong napatingin kay tita na medyo malayo na sakin. "Opo" --- Chloe's POV [ Tell Nine na wag siyang babalik ] "Bakit anong nang yayari nightmare? " /imbes na sagutin ang tanong ko ay bigla niyang tinanggal ang contact lens niya kaya nawalan ng signal sa earpiece niya. I don't feel good about this ! Ano na naman bang gagawin mo nightmare? Good thing may CCTV sa parking kaya hinack ko ito at tinignan ang nangyayari. Bukod kay Nightmare na may tama at sa mga patay na men in black at magulong paligid , may nakita rin  akong van na paparating at mabilis ang takbo.   I get it now ! Damn you nightmare, please dont do it again. Diretsong tumayo si nightmare sa direksyong dadaanan ng van na para bang hinaharangan ito at hinanda ang kanyang baril. Shoot. You leave me no choice. Kinuha ko ang emergency phone ko at tinawagan siya. "Uncle silver ! Emergency , kailangan mo kaming tulungan." "Malamang kaya nga emergency phone tawag dito diba" Nakuha niya pang namilosopo, muli akong napatingin sa screen.  No nightmare please dont do it. "Kailangan mong pumunta sa kinaroroonan ni Nightmare within 5 mins. Mukhang gagawin niya ulit yung ginawa niya noong niligtas niya ang president ng United States !" "What the ! That little sh*t !--- *toot toot toot*" Napako ang mga mata ko sa screen ng computer ko at nabitawan ko ang hawak kong phone sa sunod na nangyari.   NOOOOOO !    Halos mawasak ang puso ko nang habang nasa ere si nightmare ay bigla siyang binaril sa likod kaya bumagsak siya sa sahig. Parang tumigil ang mundo ko at tanging pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Nanlulumo akong umupo . Ilang beses na nangyayari ito pero ganoon pa rin yung kaba, sakit at pag aalala na nararamdaman ko. I need to get hold of myself. Sinend ko kay uncle ang location. [ Got it . Ill be there in 8mins ] "Make it fast she's dying for f*ck's sake !!" Kailangan ko ng ayusin ang pagdadalhan kay Nightmare since hindi siya pwede sa hospital.  Hold on , we're going to save you. You can't die , they need you. ✖✖ 3rd's person POV Naunang dumating ang grupo nila detective Kyron Drei sa airport at pinakalma nila ang mga tao dahil talagang nagkakagulo na. Sobrang gulo sa airport lalo na sa baba. Habang busy ang ibang pulis sa pag-aayos at paglilibot ng buong airport. Sinunandan naman ni Deective Kyron yung nakita niyang nakakalat na langis hanggang dinala siya ng mga paa niya sa parking at pagpasok niya ay nagulat siya nang makita kung gaano kagulo doon, may mga bakas pa ng dugo, basag na salamin ng kotse pero wala ng tao. Walang bangkay  na ipinagtaka ng detective dahil maraming dugo sa sahig . Maraming damaged na kotse at iba pa. Mapaghahalataang may labanang naganap. Naglibot pa siya at napatigil ng may makitang parang nakabulagta sa peripheral niya. Dahan dahan siyang lumingon at nakita niya ang isang babae na nakabulagta at naliligo sa sarili niyang mga dugo.    Lalapitan na niya sana ito para tulungan pero napatigil siya ng mapagtanto kung sino ang dalagang iyon. Walang iba kundi... Si..... "Nightmare" May mask siya sa bibig at nakafull bangs siya kaya tanging mga mata niya lang na nakapikit ang nakikita. [ Detective? Detective ? Naririnig niyo po ba ako? Nasan po kayo hindi namin mahanap si Mr. Wilson--- ] Agad niyang tinanggal ang earpiece niya pero hindi niya parin matanggal ang pagkatitig sa dalaga.  Bakit siya nandito ? Siya ba ang gustong kumuha sa President ng Starlight Company? Sabi ng detective sa isip niya., pero parang may nagsasabi sa kanya na hindi si Nightmare ang may pakana nito. This isn't her style. Hindi siya ganito kagulo magtrabaho. Mariin na napapikit si Detective Kyron at napailing. Iniisip niya na ito na ang pagkakataon para hulihin ang taong matagal niya ng hinahabol. Wala na siyang kawala ngayon ang kailangan nalang gawin ng detective ay lumapit para posasan ang babae at dalhin sa kapulisan , ngunit para siyang natuod sa kinatatayuan niya. May parte sa kanya na nagsasabing kapag lumapit siya ay tutulungan niya ang babae.  Pero huli na para magdesisyon dahil may biglang dumating na kotse , tumigil sa harap ni nightmare . Bumaba ang nagddrive hindi makita ang mukha niya dahil may mask din ito sa bibig at nakashades pero siguro ang detective na lalaki ito.   Binuhat niya ang duguang si nightmare at sinakay sa kotse.  Sa isang iglap nawala sila ng parang bula.  Tulalang bumalik sa loob ang detective , kumpara kanina ay mas maayos na at mukhang kalmado na ang mga tao dumating na rin ang ibang grupo.  "Nahanap mo ba si Mr. Wilson ? Detective Kyron?" Nag angat siya ng tingin di niya napansin na nasa harap na niya pala si Chief Chris sa sobrang lalim ng iniisip niya. Umiling siya bilang tugon. "Eh si Nightmare" Nagulat siya sa sumunod na tanong ng chief dahil karaniwan namang wala silang pake kay nightmare dahil di na raw sila umaasa na mahuhuli ito. Hindi nakasagot ang detective. Nakita ko siya , pero hindi ko siya hinuli. Ang tanga ko ba? Nais sabihin ng detective pero para siyang nawalan ng boses. May mali sa pangyayari, pakiramdam ng detective. "Chief Choi tumawag po ang asawa ni Mr. Wilson at sinabing ligtas na po ang asawa niya , nakauwi na raw ito",sabi ng isang officer , napatingin naman dito si Detective Kyron.  Nakahinga naman ng maluwag ang Chief. Kapag may nangyaring masama sa President ng Starlight Company  malamang sila ang malalagot , sobrang makapangyarihan pa naman ito dahil siya ang pinakamayaman sa business world. Napakunot ng noo ang detective at inanalisa ang mga pangyayari. Kanina sa parking makikita mong hindi isang tao lang ang naglaban kundi marami dahil sa laki ng mga damages at dugo sa paligid pero wala ng bangkay at tanging si Nightmare lang ang nandoon Ligtas na si Mr. Wilson pero naiwang nag aagaw buhay si nightmare sa parking at siya lang mag isa.  Hindi kaya......... Niligtas ni nightmare ang CEO? --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD