Chapter 10

1255 Words
Nightmare's POV  Pagdilat ko , alam ko na agad na hindi ko ito kwarto. Ano nga bang nangyari bago ako mawalan ng malay? Sa pagkakaalala ko may bumaril sakin sa likod at bumagsak ako.  Hindi kaya dinakip nila ako? Kahit nanghihina ay pinilit kong umupo. Mariin akong napapikit dahil ang sakit ng ulo ko at buong katawan ko. Nakarinig ako ng yabag papunta dito, naalarma ako at hinanda ang sarili ko nang may pumihit sa doorknob. . Dahan dahang bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumitaw si Chloe. Nakahinga naman ako ng maluwag , akala ko nakuha na ako ng kalaban. Wala pa naman ako sa wisyo lumaban. "MYY GOODNESS ! NIGHTMARE BAKIT KA NAKAUPO!" Kasi di ako nakatayo? Dali dali siyang tumakbo papunta sakin at nilapag ang tray ng pagkain sa gilid.  "Humiga ka ! Bat ka ba gumalaw di pa nga masyado nakasara yung iba mong sugat ! " Pinaghahampas niya yung balikat ko at sakto pa talaga doon sa tinamaan ng baril ah. "Damn ! It hurts ! You witch  ! Paupuin mo ko pwede ang sakit na ng likod ko kakahiga." "Ay sorry sorry!" Biglang may pumasok na dalawang babae. Geez , why are they all here ? Reunion ba ito? "Nightmaaaareeee !!" Tumakbo papunta sakin si Charlene samantalang si Nine ay tinanguan lang ako. Suminghot singhot pa si Charlene kung may susunod sa kadramahan at sa pagiging OA ni Chloe si Charlene na yun. Wala lang talaga siyang puso pagdating sa trabaho niya pero pagdating samin makikita mo ang soft side niya na kinaiirita ko.   "Anong arte yan" Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin. "Nightmare bakit mo nanaman yun ginawa ! Diba sinabi ko kapag may ganung sitwasyon tumawag ka ng backup !" "You should have  told me , malamig na sabi ni Nine.   "Oo nga !!", sang ayon naman ni Chloe. Wow nagkampihan pa silang tatlo.   "I did that to make the mission successful at wala ng oras para tumawag ng backup" "Pero.. you almost died there !"paiyak na sabi ni Chloe , oh there she goes again.    "Let's not talk about it anymore , its not big deal anyway" "Not big deal? Naririnig mo ba ang sinasabi mo nightmare? Have you seen yourself noong nag aagaw buhay ka ?! Halos atakihin na ako sa puso habang pinapanood ko yun sa screen ! I-I was so worried !" And she broke down. Humagulgol na siya , ito yung ayaw ko kapag yung tipong nag aagaaw buhay na ako paggising ko kadramahan ni Chlorine ang bubungad sakin. Dinamayan naman siya ni Charlene samantalang si Nine ay nanatiling nakatitig samin.  "I thought I was going to lose you!", then she hug me , mahigpit yung yakap niya na para bang ayaw ako pakawalan.  "Shhh. Its okay now Chloe", tinap ko yung likod niya para kumalma naman siya.    "Please dont do it again! Baka pag ginawa mo ulit yun ipasok ko na ang sarili ko sa screen para makapunta kung nasan ka man" "Please listen to her nightmare kami rin nag aalala sayo", dagdag ni Charlene.   "Okay", suko kong sagot at pinagtulakan sila palayo. "Wow ha salamat sa pagsira ng moment ko!", inis na sabi ni Chloe. "Cry all you want kapag patay na ako !" Napairap siya sakin , wow kailan pa siya natutong umasta ng ganyan sakin? Bigla kong napansin ang basa kong damit. "What the hell? Sipon ba ito?" May malapot na something sa balikat ko na pinag iyakan ni chloe. Mabilis siyang napatayo. . "Oh I forgot ! Marami pa pala akong aasikasuhin. Kumain ka na ha. Byee!" Kumaripas siya ng takbo palabas at sumunod na lumabas si Nine . Tinignan ko naman si Charlene na naiwan pero nginitian niya lang ako at nagmamadali ring lumabas "Call me if you need something",pahabol niya.  "CHLORINEEEEE!"   ✖✖ Mabilis ang recovery ko , immune na ata katawan ko sa ganoon eh, kaya kinabukasan, paggising ko nagpahatid na ako agad kayla Charlene at Nine dito sa bahay ko. Hindi ko nakita si Kalbo pero ayon kay Chloe , uncle niya raw ang nagdala sakin sa rest house, nagstay daw saglit si Tito Silver pero nang  makitang stable na ang kalagayan ko ay umalis na.  Back to work na ang tatlo samantalang ako,  may one day rest at wala akong ibang ginawa kung hindi kumain, humiga at maglaro . Chloe promise na hindi niya ako tatawagan buong araw. Isnt that great ? I will have a peaceful day to---- Biglang nagring yung phone ko.  Napapoker face ako. Lumabas ako sa kusina at inanswer ang call. "You've just broke your promise", cold kong sabi.  [ Im sorry nightmare but this is urgent ] Huminga ako ng malalim at kumagat sa fried chicken.  "10 seconds" [ Binalita yung tungkol sa airport at pinalabas nila na ikaw ang gustong kumidnap sa Presidente ng Starlight Company , they took a picture of you noong papasok ka ng airport. ] Napatigil ako sa pagkain , ang dalas ko atang mafeature sa balita ngayon. Instant sikat na ako ah. "What did the President say?" [ Wala pa siyang binibigay na statement ] "Okay. Im sure Kyron is now happy marami ng maghahanap sakin--" [ I dont think so nightmare , wala siyang binigay na pahayag at noong time na nag aagaw buhay ka sa parking lot he was there ] Nagulat ako sa sinabi ni Chloe.. He was there? He saw me? So siya pala yun .Hindi pala ako nananaginip siya yung lalaking nakatayo sa 'di kalayuan nakatingin sakin but I cant clearly see his face kasi nanghihina na at papikit na ang mga mata ko.  [ I was actually shocked ! Kinabahan ako lalo na nung akmang lalapitan ka na niya pero bigla siyang napatigil ang tagal ka niyang tinignan . Di ko alam kung bakit then uncle came at kinuha ka. Hindi ka niya hinuli nightmare. He knew that it was you but he just stared at you and did nothing. Yun ang mas kinagulat ko ] Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa sinabi niya.  [ Nightmare? ] Inend ko ang call at kinuha ang pagkain ko at nagpatuloy sa pagkain.  ✖✖   Its been a week at okay na ako. Back to normal na , isang araw nga lang ako pinagpahinga ni Chloe tapos trabaho agad ! Mabuti na lang at mabilis na nakapag cope up ang katawan ko. I have various of job and me being an agent doesn't just revolve in killing and paralyzing my victims but also I steal files or information. Busy akong tao,. Pinagbuksan ako ng bouncer ng pinto at pagpasok ko ay sumalubong sakin ang nakakasilaw na ilaw , sobrang lakas ng sounds as in parang pakiramdam ko matatanggal na ang tenga ko ! Anong klaseng tenga ba ang meron sa mga taong ito at parang hindi nabibinge. Taas noo akong naglakad at hinanap ang target. Pansin ko naman na marami ring napapatingin sakin , well di ko sila masisisi dahil masyado atang napaka sexy ng red dress na suot ko idagdag mo pa ang ang red lipstick sa labi ko at make up. Mukha talaga akong malanding party girl , wala akong magagawa ito ang kailangan kong disguise para maseduce ang target.    [ Nasa VIP room siya ]  Umakyat ako sa taas at pinuntahan ang VIP room na sinabi ni Chloe at kung siniswerte ka nga naman nasa labas na ang target ko, hindi ko na kailangan pang mag panggap na waiter para makapasok sa loob. Nilapitan ko siya at nginitian ng matamis.  "Hey handsome" -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD