"Hey handsome"
Napatingin sakin ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng formal attire, nakaloose ang necktie niya at may hawak na wine.
Subject: Lucas Realco, 24 yrs old the son of the chairman of Realco Hospital.
Lumapit ako sa kanya at inayos ang necktie niya.
"Mag isa ka lang?"tumango siya.
Pagkatapos kong ayusin ang necktie niya ay pinagpag ko ang balikat niya at sinigurado kong magkadikit ang aming mga katawan at malapit ang mukha ko sa mukha niya. Geez. Kinikilabutan ako sa ginagawa ko
"How about you? Are you alone too?"
Napangiti ako sa sinabi niy , everything is going according to the plan
.
"Well.. yes"
"If that's the case, do you want to have a drink with me?"
Lumayo siya sakin at kinuha ang kamay ko tapos ay hinalikan ito.
"I think that's a great idea"
Nilagay ko ang kamay ko sa braso niya at naglakad kami papasok sa VIP room. Umorder siya ng drinks at nang dumating ang order ay nagsimula na kaming uminom at magkwentuhan.
"Anyway, I still don't know your name"
Lumapit ako sa kanya, pinatong ko ang kaliwang kamay ko sa balikat niya at halos isang inch nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Tamang tama para madistract siya. Punong puno ng pagnanasa ang nakikita ko sa mga mata niya. Pinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko
"My name is nightmare, don't you ever forget that name "
Habang sinasabi ko yun ng dahan dahan at malambing ay nilalagyan ko na ng pampatulog ang kanyang inumin.
"Nightmare"lasing niyang sabi. Akmang hahalikan niya na ako nang bigla akong lumayo. Not so fast dear. Pasimple kong tinignan ang inumin niya at nginitian siya.
"Cheers?"
Kinuha ko ang inumin ko at ganun din ang ginawa niya. Sabay kaming uminom at nginitian ko siya. Maya maya ay onti onti ng umeepekto ang gamot, bigla siyang napakunot ng noo at napahawak sa ulo niya hanggang sa tuluyan na siyang tumumba. Opps !
Pumatong ako sa kanya at sinimulan na siyang kapkapan. Where is that freaking flashdrive. Sinuot ko ang eyeglass detector ko para mas mapabilis ang paghahanap. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang bumukas nag pinto at pumasok ang waiter. Halatang nagulat siya sa nakita niya at tinaasan ko siya ng kilay.
"S-sorry po sorry po"
Dali dali niyang sinara ang pinto. Isipin niya na ang gusto niyang isipin. Wala akong pake. Istorbo.
[ Ano nakita mo na? ], inayos ko ang earpiece ko.
"Wala dito!"
Nakapkap ko na lahat, nilabas ko na lahat ng gamit niya pero wala akong nakitang flashdrive.
[ Ano ? hindi pwedeng wala dyan lagi niyang dala-- Oh my gosh! Kung di niya dala malamang iniwan niya yung sa opisina niya.]
Napaupo ako sa sinabi niya at napahawak sa sentido ko. Damn it !
[Sure ako dun , dalawa lang ang pinagtataguan niya ng flashdrive its either dala niya o nasa opisina niya]
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tumayo na tapos kinuha nag bote ng alak sa lamesa.
"Ilang oras siyang mananatiling tulog?"
[ Well less than 20mins ]
"Papuntahin mo si Nine dito para magbantay then send me the address"
Mabilis akong lumabas ng club at sumakay sa kotse. Within 10 mins nakarating na ako sa hospital nila Lucas. Bago pumasok ay kinuha ko ang panyo ko at binasag ang bote tapos sinugatan ko ang sarili ko. Tsaka ako pumasok sa hospital at umarte na nasasaktan.
"Ano pong nangyari?" salunong saakin ng nurse at inaalalayan ako paupo tapos chineck ang sugat ko.
"Nalaglag ako sa hagdan tapos natamaan ako ng bubog. Medyo malakas ang pagkakabagsak ko"
"Sandali lang po mam"
Tumakbo paalis ang nurse para kumuha ng gamit. Tumayo rin ako tapos zinipper ang jacket ko at sinuot ang hood . Pinunit ko ang damit ko at pinantali sa dumudugo kong sugat. Pinutol ko rin ang heels ko tsaka nagsimula ng maglakad papuntang office ni Lucas. Lumabas ako ng elevator at habang naglalakad sa hallway ay tinitignan ko ang mga CCTV.
[ You have 4mins left. Nahack ko na ang cctv. ]
Kinuha ko ang hairclip sa buhok ko at binuksan ang office ni Lucas.
"Hoy miss anong ginagawa mo bawal---"
Bago pa niya ako mahawakan ay agad ko siyang inatake at bumagsak siya.
Pumasok ako sa loob at binuksan ang ilaw. Sinimulan ko ng halughugin ang office niya. Umupo ako sa swivel chair at hinalungkat ang mga gamit sa table. Napahawak ako sa ilalim ng upuan at bigla akong may naramdaman.
[25 seconds nightmare]
Umalis ako sa inuupuan ko at yumuko para makita ang nasa ilalim .
Bingo!
Kinuha ko ang flashdrive sa ilalim ng upuan tapos inayos ko ang mga ginulo kong gamit.
[ Umalis ka na dyan gising na siya ]
Lumabas ako ng office niya at sumakay ng elevator. Pagbukas ng elevator ay nakita kong nagkakagulo ang mga guard at wala silang pinapalabas. Lumabas ako ng elevator at lumiko. Habang naglalakad ay may nakabangga saking nurse.
"Sorry po!"
"Bilisan mo kailangan natin siyang malipat sa kabilang hospital!"sigaw noong tao sa loob ng kwarto.
Sinundan ko ang nurse at biglang hinila at pinatulog. Dali dali kong pinatong ang damit niya at sinuot yung mask sa bibig. Sakto ay tumatakbo na sila papuntang entrance tulak tulak yung nakahigang pasyente.
Agad akong sumama sa kanila at tumulong sa pagtutulak.
"Bat ngayon ka lang na sabi mo ba sa director?"
Tanong sakin ng doctor tumango naman ako. Pagdating sa entrance ay hinarang kami ng mga guard kaya agad itong kinausap ng doctor . Nakahinga ako ng maluwag nang padaanin nila kami. Binuksan na nila yung ambulansya at agad akong tumakbo paalis. Masyado silang busy kaya di nila ako napansin.
Pumasok ako sa loob ng kotse ko at tinanggal ang mask at kung ano man tong tela na nasa ulo ko. Hinubad ko rin tong nurse outfit na nakapatong sa damit ko. Ang init kaya. Kinuha ko yung flashdrive sa bulsa ko at tinago tapos ay sinimulan ko ng magdrive paalis.
[ mission accomplished ]
------------