" 77
78
79
80
81
82
83 ----"
*PHONE RINGS*
"84
85 ----- *PHONE RINGS* "
Tinigil ko ang pag sisit ups at tumayo para sagutin kung sino mang istorbo ang tumatawag. Kinuha ko ang maliit kong twalya at pinamunas sa mukha tapos muna ako uminom ng tubig tsaka ko sinagot ang tawag.
[ Hey hey heeey ! ]
"What do you want?",malamig kong sagot.
[Well , balak ko kasing magluto ng lunch ngayon then I was thinking that we could have our lunch together-- ]
"Sorry, I have an appointment"
Humiga ako sa kama ko at napatingala sa kisame kona galaxy ang design. Kahit kailan ay hindi talaga nakakasawang tignan ito. Nakakawala ng stress. Magpapayaman talaga ako at lalabas ako ng earth.
[ Appointment?! Sa pagkakaalam ko wala naman tayong mission for today ]
" I'm going to visit a friend"
[ FRIEND ?!! Since when ka pa nagkaroon ng FRIEND bukod samin nila Charlene at Nine? At sino yan ?! My goodness bakit di ko alam ! Ahuhu nakakahurt ka ng feelings !! ]
Kahit kailan talaga ang OA nitong si Chloe tsaka grabe ha parang sa tono ng pananalita niya napaka imposible na magkaroon ako ng kaibigan.
"Detective Kyron"
[ Detective kyron? Anong meron sa poging detective na yun ?]
"He's the 'friend' that I am going to visit"
Napangiwi ako. Hindi ako sanay tawagin na 'friend' ang detective na yun, para bang kinikilabutan ako. Tsaka joke lang naman yung friend as if namin maging magkaibigan kami diba.
[ WHAAAAT?! SINCE WHEN PA KAYO NAGING FRIENDS NI FAFA KYROON?! MORTAL ENEMY MO SIYA DIBA?!! MAY HINDI BA AKO--- ]
Halos maibato ko yung phone ko sa lakas ng boses niya kaya di ko na siya pinatapos at binabaan ko na siya. Kahit kailan ang ingay niya psh , sakit sa tenga.
✖✖
Tahimik akong kumakain sa restaurant katapat ng police station kung nasaan ngayon si Detective Kyron Drei. I'm really serious when I said that I am going to pay him a visit but of course I'm not literally going there. I'm just going to buy him a lunch, well why? Wala lang . Lets say treat ko na yun dahil hindi niya ako hinuli pero alam ko naman na sa susunod na pagkikita namin malamang huhulihin na niya ako. Mortal enemy ko pa rin siya , bored lang ako kaya binibisita ko siya and somehow I'm curious about him. Umupo sa tapat ko si Nine dala ang pagkain na inorder niya sa counter.
Tumigil ako sa pagkain at inayos ang shades ko.
"You know what to do"
Naglabas ako ng pera at card galing sa bag ko at nilapag sa table. Tumango siya at kinuha ang pera. Tumayo siya at naglakad na paalis. Dapat maging masaya ang detective na yun hindi lang pipitsuging lunch ang binili ko sa kanya , mahal to no. Ayokong isipin niya na cheap ako. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang isang batang bitbit ang binili ni Nine.
Naghanap si Nine ng kahit sinong pwedeng utusan para iabot ang lunch kay mr. Detective at binayaran nalang ng perang inabot ko kanina , syempre di kami pwedeng magpakita sa kanya lalo na sa mga pulis.
Pinagpatuloy ko ang pagkain.
*phone rings*
Nilabas ko ang phone ko sa bag at sinagot ito.
[ Nightmaree! ]
"What?"
[ Nasaan ka ?! Nandyan ka na ba sa police station?! ]
"Yeah"
I don't understand, why is she shouting? Ay mali, she's always shouting pala.
[ Umalis ka na diyan! Wanted ka nanaman !! ]
Napakunot ako ng noo at napahinga ng malalim . Ano na naman ba ang ginawa ko this time? Lately kahit hindi ako ang gumawa sakin nila sinisisi, mga tao talaga.
[ Pinagbibintangan ka nilang ikaw ang pumatay sa anak ng mayaman na businessman ]
See? Ako na naman psh. Kailan kaya nila gagamitin ang utak nila at bubuksan ang mga mata nila. But who cares? Hanapin nila ako hanggang sa mapagod sila.
"Parang di mo naman ako kilala Chloe , I won't be called Nightmare for nothing "
Mahina kong sabi baka kasi may makarinig mahirap na. Nakuha ang atensyon ko nang makitang lumabas si Detective kyron na para bang may hinahanap.
Napangiti ako ng makita kung ano ang hawak hawak niya . Palinga linga siya at kinausap ang batang nasa tabi niya pero tanging iling lang ang naging tugon ng bata kaya binitawan niya ito. Nakakatawang panoorin si Detective Kyron na parang baliw na baliw na makita ako. Pano kaya kung magpakita ako sa kanya no? Maiyak kaya siya? kasi nakita niya na ang taong matagal niya ng hinahanap? Nakakatawa siya.
Tinignan niya ang card na pinalagay ko sa lunch na pinadala ko sa kanya.
To: Detective Kyron Drei
How are you? Hope you'll like the lunch that I brought you.
-nightmare
[ Nightmare?! Hooyy ! Ano na nangyari ? Bat di ka nagsasalita ? ]
"Don't worry Chloe"
Inend ko ang call at nakangiting pinagpatuloy ang pagkain ng lunch.
Don't worry Detective Kyron , magkikita rin tayo someday.
✖✖
"Sabihin mo nga kailan pa kayo naging magkaibigan ni fafa kyron ?! "
"We're not friends"
Bagot kong sagot habang nginunguya ang bubble gum sa bibig ko at seryosong naglalaro sa psp.
"Sabi mo friend mo siya !"
Geez, she's so noisy ! I don't even know what the hell is she doing here in the middle of the night!
" I was just teasing you", bored kong sagot ng di siya tinitignan.
"Anyway , kaya ako nandito kasi nag email yung anak ni Mr. Michael Wilson Remember him?"
Paano ko ba naman siya makakalimutan. eh siya ang pinakamayaman na businessman dito sa pinas. Isa siya sa mga VIP clients ko and I love VIP clients. Syempre triple o higit pa ang binabayad nila kumpara sa ordinaryo lang.
"So what's up?"
Mukhang importante ang sasabihin niya kasi pumunta pa talaga siya dito ng ganitong oras para sabihin ang sasabihin niya.
"Gusto niyang paimbestigahan ang tatay niya"
Napangiwi ako at tuloy tuloy parin sa paglalaro.
"And why?"
Balak ba niya kalabanin tatay niya? Para makuha ang kompanya or something? Ganyan naman kadalasan ang mayayaman eh kahit sariling kadugo kaya nilang kalabanin o mas malala patayin para sa kapangyarihan nila. I pity them.
"Well whatever it is , alam mong di ako natanggap ng client na may kaugnayan sa naging kliyente ko na"
Isa yun sa mga rule ko , ayokong tumanggap ng kliyenteng ang ipapagawang trabaho ay may kaugnayan sa naging past na client ko.
"Hindi nightmare. Iba too ! Makinig ka , sabi niya yung iniligtas mo raw na ama niya ay parang hindi niya tunay na ama. I mean hindi raw iyon si Michael WIlson. "
Napatigil ako sa paglalaro at napatingin kay Chloe.
"What?!"
"Hindi malinaw ang pagkakasaad niya sa email. Basta ang sabi niya kinukutuban daw siya na si Mr. Michael Wilson na kasama nila ngayon ay hindi ang tunay niyang ama. Gusto niyang makapag usap kayo.”
Imposible , sigurado akong si Michael Wilson ang lalaking niligtas ko at nakasama ko sa airport, pero hindi ako sigurado kung ang Michael Wilson na niligtas ko ang kasama nila ngayon dahil maraming pwedeng mangyari.
------------