Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at pilit onti onti kong ginalaw ang katawan ko kahit ramdam ko pa ang sakit ng sugat ko. Sa itsura ko mukhang nagamot na ako kaya kailangan ko na makaalis dito bago pa bumalik si Detective Kyron. Tinignan ko ang relo ko , ilang oras palang naman ang nakakalipas nang mahimatay ako. "Miss ! Ano pong ginagawa niyo bawal pa kayong tumayo!",pinigilan ako ng nurse. "Mag ccr lang ako", pilit kong tinatago ang pagkairita sa boses ko. "Sasamahan ko na po kayo" Bat ba ang kulit nito. Onti lang mabibigwasan ko na siya. "Hindi na . Kaya ko ang sarili ko" "Pero hindi po talag pwede miss kabilin bilinan po ng doctor na hindi kayo pwede masyadong gumalaw" Napakuyom akong kamay sa pagkairita. Wala ako sa mood makipag usap sa pesteng nurse na to. Naii

