"Hey, we're here" Halos mapatalon ako sa gulat nang tapikin niya ang balikat ko. Para akong nakuryente !! Pero mukhang hindi naman niya napansin. Nauna siyang bumaba at sumunod ako. Mabuti nalang nakashades ako dahil kahit 4 na ng hapon ay tirik pa rin ang araw. Pagpasok ko ay nasa kabilang counter na si Kyron at nakikipag usap sa babae kaya dun ako sa kabila nag punta. "Good afternoon mam--" Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako. "I'm looking for this guy , natatandaan mo ba siya ? Nagpunta siya rito last friday at 1pm" Tinitigan ng babae maigi yung litrato sa phone ko. "Ah naalala ko na po siya !! Medyo hindi po siya katangkaran diba? Tapos maputi at nakasalamin? " Tumango ako. Sa wakas mukhang magkakalead na kami !! "Bumili po siya dito." "Yun lang?",Dismaya kong t

