Mano mano kaming nakipaglaban dahil bukod sa baril na binigay ni Kyron kay Karyle ay wala na siyang dala !! Ako naman hindi ko magamit yung kutsilyo ko na nakatago sa boots ko dahil ayokong magtaka si Kyron kung bakit meron ako nun. Dalawa ang kalaban ni Kyron , ako naman itong malaking lalaking to. Ayokong magbida bida dahil baka madiscover niya ako , joke ! Lowkey lang dapat. " Sa tingin mo ba mapapatumba mo ako?" Nginitian ko siya ng sarcastic at flinip ang hair ko. Tignan natin. Sinuntok niya ako pero nakailag ako , ako naman ang sumuntok sa tiyan niya pero para ako ang nasaktan dahil sa tigas nito. Napangisi siya sakin . Gamit ang malaking kamay niya ay hinawakan niya ako sa leeg at inangat sabay hinagis ako. Bwiset !! Napatingin sakin si Kyron pero sinenyasan ko siya na okay

