"So what did I missed?" Tinanggal ko ang shades ko at tinignan silang tatlo na mukhang nagulat sa pagpasok ko. "Could you at least knock?" Masungit na sabi sakin ni Connor sakin at pinagpatuloy ang pagbabasa ng kung ano man ang nakasulat sa bondpaper na hawak niya. Nagkibit balikat nalang ako at lumapit kay Mr. Albert syempre alangang si Detective Kyron lapitan ko no. Close ba kami? "So any update?" Dalawang araw akong absent dahil sabi ni Connor magpahinga raw muna ako pero syempre hindi ako nagpahinga , may mga iilang bagay akong inayos. Nilapag ni Mr. Albert ang hawak niyang papel , pansin ko lang ang kalat ng office ni Connor ang daming boxes na may lamang mga files. Lahat din sila may hawak na papel na inaaral. "Ito , halos wala pa kaming tulog kakahanap ng files nung 1973"

