Chapter Twenty Four: Poser HALOS mabibiyak na ang utak ko sa kakaisip kung tooo ba ang sinabi ni Mike sa akin. Kung tutuusin ay pwede ko naman baliwalain ito, pero hindi eh. Lalo na sa sinabi niyang poser—na ang kinakasama ko noon ay isang impostor lang. “Alexa, yoohooo?!” Untag ni Dana sa akin. Napapitlag naman ako sa ginawa niya. And yes, si Dana ang kasama ko ngayon. Siya iyong tumawag sa akin sa pintuan. “Hm?” “Anong hm ka diyan? Kainis ka naman eh! Parati mon a lang akong hindi pinapakinggan!” “Sorry na nga eh. Ano ba kasi iyon? Pakiulit na nga lang dahil madami talaga akong iniisip eh.” Nanghaba ang nguso niya. “Sabihin mo, iniisip mo si Noel! Kuh, porque nagkaroon uli ng love life ay baliwala na ako dahil bokya parin ako diyan.” “Hindi ah. Wala naman kaming relasyon ni Noel.

