Chapter Twenty Three Sinipat ko ang sarili ko sa salamin kung bagay ba sa akin ang suot kong white halter top and black skinny jeans. I was preparing for my date. Yes. Isang date. Kay Noel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya at gusto niyan makipag-date sa akin. We’re not that close. At kung iisipin din ay parati kaming nag-aaway at asar na asar ako sa kanya. Pero ngayon…sigh. Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin sa sitwasyon na ito. Nagpakawala uli ako ng hininga bago umalis sa harap ng salamin. Kinuha ko sa shoe rack ang two inches sandals ko at sinuot iyon. Habang naghihintay kay Noel na pumunta dito sa condo unit ko ay pumunta ulit ako sa vanity table at naglagay ng light make up, para naman hindi ako mukhang plain na kasama niya. Kasalukuyan ako naglagay ng li

