:Chapter Twenty Two: “Mama?” Gulat na banggit ko. It was unexpected to meet his mother lalo na dito. Goodness! Kaya ba niya ako pinaalis dahil sa darating ang kanyang ina? Kung sinabi lang sana niya na darating pala ito eh di sana matiwasay na umalis ako. Awkward. Her gaze shifted on me. Sumungaw ang ngiti niya na hindi ko inaasahan, akala ko kasi susungitan o hindi ako papansinin. “You must be Alexa, right?” “Po? Ehh, Opo.” Paano niya nalaman ang pangalan ko? “Gracious! Sa wakas at nakita na kita nang personal. Ito kasing anak kong si Noel, napakalihim. Minsan ka lang niya binabanggit sa amin. Akala ko nga ay hiwalay—“ “Ma!” Saway ni Noel sa Mama niya. “Gee, pumasok nga muna kayo sa loob.” “Oh. Okay.” Masayang pumasok ang Ginang. Hiyaan ko muna siya na maunang pumasok at bago pa sum

