Chapter 48

1000 Words

Sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa kadiliman. Ang tanging maaaninag lamang ay ang kabilugan ng buwan. Kasabay sa pagsayaw ng mga dahon sa gitna ng kagubatan kung nasaan si Alex ngayon ay mababanaag ang nakakapangilabot na alulong ng aso. Hindi niya alam kung saan siya tutungo. Naliligaw siya at hindi niya rin alam kung bakit siya naroroon. Anong hiwaga ang nakapalibot sa kagubatan? Bakit siya dinala ng mga paa niya roon? Ang tangi lang niyang naaalala ay naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay napadpad siya sa lugar na iyon.    Nanunuot ang lamig sa kanyang katawan kahit makapal ang kanyang kasuotan. Tila ba kusang dumadaloy ang hangin papasok sa kanyang balat na siyang nagiging dahilan para tumayo ang balahibo niya sa takot. Pinaglalaru

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD