"Pwede n'yo na ako iwan rito," utos ni Natasha sa tatlo niyang body guards. "Pero bilin po ni Ma'am Nadia na huwag daw po kaming hihiwalay sa tabi ninyo," saad ng isa. "Don't tell me kahit sa klase nasa tabi ko kayo? Sige, kayo na lang ang um-attend ng class ko," matatay na tugon ni Natasha. Kasalukuyan silang nasa tapat ng pintuan ng silid-aralan. "Huwag kayong mag-alala, hinding-hindi makakalapit si Jacob sa akind dahil nariyan kayo." Wala namang nagawa ang tatlo niyang body guards. Pumasok mag-isa si Natasha sa silid-aralan at umupo sa kanyang upuan. Hindi niya gusto ang nangyayari. Pakiramdam niya at nasasakal siya sa ginagawa ng kanyang ina sa kanya. Hindi na siya bata para pabantayan pa kung kani-kanino at isa pa wala namang siyang

