Lumipas ang mga araw na ganoon pa rin ang senaryo sa paaralan. Marami ang nagbago sa klase ni Natasha. Bukod sa napalitan na ang guro nila ay naging mas atentibo ang mga kaklase niya sa pakikinig sa bago nilang guro na si Sir Keeno. Para bang may kakaibang karismang taglay ito. Nakakapagtaka at hindi nila maipaliwanag ang nararamdaman sa guro. Halos lahat ng kababaihan ay para bang pinagpapantasyahan ang kanilang guro habang ang karamihan sa mga kalalakihan naman ay tila ba humahanga na rin sa taglay nitong kakisigan. Ngunit iba ang nararamdaman nina Natasha at Jacob sa bago nilang guro. Para bang hindi nila mapagtatanto kung anong mayroon ito at ganoon na lamang ang kanilang impresyon sa bago nilang guro na si Keeno. Nang una kasing makita ni Natasha si Keeno ay para bang hindi ito ang un

