Nagising ang lahat sa biglaang pagpapatawag ng pulong. Kaya nagtipon-tipon ang mga estudyante sa labas ng Teachers' Camp. Laking pagtataka nila kung bakit ginising sila ng ganoong kaaga. Inisip na lang nila na isa isa ito sa gagawing aktibidad nila habang sila ay naroroon. "Ang aga naman nila magpatawag ng exercises," may pagmamaktol na wika ni Natasha. Ni hindi pa nila nagagawang mag-aayos ng sarili ng katukin sila sa kani-kanilang mga silid ng isa nila kaklase at sinabing pinatawag sila ng kanilang guro. Mumukat-mukat pa si Natasha na lumapit kina Jacob at John. Itinali na lang nito ang buhok pataas at saglit na naghilamos dahil pinagmamadali silang palabasin dahil may anunsyo raw na sasabihin. Ang ilan sa kanila ay nakasuot pa ng pantu

