"Hindi n'yo po ba nakita kung sino ang gumawa nito?" tanong ng pulis sa tatlo. Ilang minuto lang matapos nilang makita ang bangkay ni Teri ay dumating na ang mga pulis. Kaagad silang naglagay ng barikada sa lugar kung saan nangyari ang krimen. Medyo malayo na rin sila sa Teachers' Camp kaya siguradong walang makakaalam ng mga nangyari sa mga kasama nila. "H-hindi po namin alam, nakita na lang po namin ang bangkay na iyan dito sa gubat," maang ni Jacob. Napag-usapan nilang tatlo na hindi nila sasabihin na kilala nila ang bangkay bago pa man dumating ang mga pulis. Panaka-nakang sinusulyapan ni Jacob ang mata ng pulis upang hindi mahalata na nagsisinungaling siya. Sumang-ayon ang dalawa sa gagawin at sasabihin nila sa oras

