Pikit man ang mga mata ni Jacob ngunit gising naman ang kanyang diwa. Hindi pa rin matahimik ang kanyang utak sa mga nangyayari. Nadaragdagan at nadaragdagan ang mga alalahanin sa kanyang dibdib. At ngayon, hindi pa rin niya magawang mawaglit sa isipan ang panganib na kinakaharap nilang magkakaibigan. Hindi naman sa gusto niyang magpakabayani para sa mga kasama. Subalit, ayaw niyang makita na may mga taong napapahamak sa garap niya. Tulad ng nangyari kanina. Nasa memorya pa rin niya ang hitsura ng bangkay ng kaklase niyang si Teri. Napapaisip siya kung hindi nga ba inuusig ng konsensya ang taong gumawa ng karumaldumal na krimen na iyon sa kanya? Nakakatulog pa kaya ang taong iyon matapos niyang kumitil ng buhay? Kung tao man siya o demonyo, wala na siyang

