Hindi mapakali si Alex nang makauwi ito sa bahay. Binulatlat nito ang kanyang bag na para bang may hinahanap. Napansin ito ng asawa niyang si Samantha nang pumasok siya sa kuwarto nilang mag-asawa. "Hon, may problema ba?"usisa ni Samantha habang pinupunasan ang kamay nito na katatapos lang maghugas ng pinggan. "Ahh... wala, hon. May hinahanap lang ako," maang ni Alex na nagulat nang pumasok ang asaawa. Kaagad naman nitong inayos ang gamit ngunit hindi nakita ang hinahanap na kanya ring itinatago sa asawang si Samantha sa loob ng ilang taon. Sinikreto niya ang tungkol sa diary ni Matthew dahil maaaring naglalaman ito ng tunay niyang pagkatao. Ngunit sa ilang taon nitong pagtatago ng diary ay hindi pa nito nagagawang buklatin ang bawat pahina nito. Nagtangka siya

