”Dadalhin kita sa impyerno!" ito ang mga katagang nagpabilis ng t***k ni Natasha. Halos mabaliw siya sa makita. Hindi niya akalaing magpapakita si Matthew ng mga oras na iyon. Pilit niyang binubuksan ang pinto ng sasakyan ngunit hindi ito mabuksan. Kusang nag-lock ang pinto at hindi na niya magawang ma-iaangat ang lock nito na para bang may pumipigil. Muli niyang ibinaling ang tingin sa nakakatakot na hitsura ni Matthew. Nakatingin pa rin ito sa kanya na may nakakapanindig balahibong ngiti. Ngiti ng isang demonyo na para bang may masamamg balak sa kanya. "Anong gingagawa mo rito?" tanong niya. Ngunit walang tugon siyang narinig. Sa halip, tumawa ito nang napakalakas. Nakakatakot. Nakakapanindig-balahibo. Kitang-kita niya ang panlilisik ng mga mata nito na para ba

