"Are you ready?" tanong ni Jacob ngunit nakatitig lamang sa kanya si Natasha. Nakangiti ito na parang walang naririnig. "Nats!" doon lang nagising si Natasha.
"Ah! Yes! Ready!" buong tapang na tugon ni Natasha nang bumalik sa katinuan. Lingid sa kaalaman ni Jacob ay kanina pa nakatitig sa kanya si Natasha. Nawala ang takot nito dahil sa pag-alalay ni Jacob sa kanya. Kung kanina ay nangangamba siya, ngayon ay pakiramdam niya na ligtas at panatag ang kalooban niya habang nasa tabi niya si Jacob.
"Okay, sakto. Walang mga teacher sa loob kaya papasok ako. Magbantay ka rito at kung sino man ang papasok ay pigilan mo. Gawin mo lahat, idaan mo sa charm mo, kuwentuhan mo ng kung anu-ano. Sesenyasan na lang kita kapag nakuha ko na." ito ang naging plano ni Jacob.
"Sige. Mag-ingat ka,"wika ni Natasha.
Nang makapasok si Jacob sa loob ng faculty ay kaagad niyang tinungo ang teacher's table ni Alex. Habang si Natasha naman ay maiging nagmamatyag sa labas. May mangilan-ngilang mga estudyanteng dumaraan na nginingitian na lamang ni Natasha sa tuwing titingnan siya ng mga ito. Samantala, isa-isang binuksan ni Jacob ang mga drawer sa table ni Alex at inisa-isa ang laman ng mga ito. Ngunit walang pamilyar na bagay siyang nakita. Hindi siya pwedeng lumabas na walang nakukuhang diary. Kailangan niyang makita iyon bago pa makarating ang guro. Kung hindi ay mabibigo sila Habang nagbabantay si Natasha sa labas ay eksakto namang nakita niya ang gurong si Alex papunta sa faculty. Nag-isip kaagad ng paraan si Natasha upang mapigilan ang guro. Hindi pa man nakakalapit si Alex sa pintuan ay nilapitan ito ni Natasha.
"What are you doing here?" usisa ni Alex.
Naging seryoso ang mukha ni Natasha ngunit hindi nito magawang tumingin kay Alex. Pero kailangan ni Natasha na makuha ang atensyon ng guro upang maisakatuparan ang plano nila ni Jacob.
"Sir, aahh..." hindi maituloy ni Natasha ang sasabihin hindi dahil wala siyang maisip na sasabihin kung 'di dahil pinaptagal lamang niya ang oras dahil hindi pa lumalabas si Jacob sa loob.
"Natasha, if you don't have anything to say. Please, don't waste my time," wika ni Alex na akmang didiretso sa loob ng faculty ngunit bago pa man ito makarating sa pintuan ay hinawakan niya ang guro sa braso dahilan upang mapapaling ito sa direksyon niya.
"Sir, gusto ko lang po sana humingi ng pasensya sa mga nangyari noong isang araw. I swear, hindi ko po ninakaw ang diary ninyo at wala po akong balak kuhanin ito. Sorry po talaga, Sir."tiningnan ni Natasha si Alex na may pagmakakaawa at sinserong pagtugon. Ngunit mas iniisip ni Natasha na nauubos na ang oras. Nag-aalala rin ito na baka mahuli si Jacob ni Alex.
"Okay, I just want to let you know that I am mad with what you've done. Pero dahil sa courage mo na humingi ng tawad. Sige, pagbibigyan kita. Basta ayaw ko na lang mauulit iyon," wika ni Alex.
"Opo, sir."
"Okay, maiwan na kita,"kaagad namang umisip ng paraan si Natasha kung ano pang pwedeng sabihin kay Alex upang makuha pa ang atensyon ni Alex.
"Ah, Sir!"
"Natasha, Is there anything else? Kasi marami pa akong gagawin," wika naman ni Alex nang marinig muli ang boses ni Natasha.
"Ah, sir. Kasi..."
"Okay na tayo, wala na sa akin 'yon at kung may gusto ka pang sabihin next time na lang tayo mag-usap." tila walang nagawa si Natasha sa mga sinabi ng guro. Kaya naman ganoon na lamang ang pag-aalala niya dahil tila mabibigo ang misyon nila ni Jacob.
Kasalukuyan pa ring hinahanap ni Jacob ang diary hanggang sa mapansin niya ang bag ni Alex. Kaagad niya itong binuksan, hinalikwat hanggang sa makita ang bagay na hinahanap niya. Ngunit nang makita niya ito ay narinig niya ang tinig ng gurong is Alex mula sa labas ng faculty room. Kaagad naman siyang nagtago sa ilalim ng mesa nang maramdamang papasok ang guro. Mabuti na lamang at naging alisto si Jacob at hindi napansin ni Alex na nasa loob siya. Pero bago pa man makalapit sa mesa si Alex ay tinawag ito ng kanyang kapwa guro.
"Sir Alex, ipinapatawag tayo ng principal sa meeting room, urgent daw." nang marining ni Natasha at Jacob ang sinabi ng isa pang guro kay Alex ay nakahinga sila pareho nang maluwag.
"Okay, I'll just get my things and susunod na ako." kaagad na tinungo ni Alex ang kanyang mesa at abot langit naman ang pagsusumamo ni Jacob na hindi siya mahuli ng guro. Isiniksik ni Jacob ang sarili sa kasuluksulukan ng mesa habang hawak ang diary. Kinuha lang ni Alex ang teacher's manual nito kasama ng isang kuwaderno at bolpen. Hindi na niya naabutan ni Jacob si Natasha nang lumabas ito ng faculty. Nang makaalis na si Alex ay tsaka lamang nagdesisyon na umalis si Jacob sa kanyang puwesto. Mabilis itong naglakad papalabas nang masiguradong wala nang tao sa paligid. Kaagad nitong hinanap si Natasha na nagtago lang sa sulok malapit sa pintuan ng kabilang silid.
"Jacob!" pagtawag ni Natasha sa atensyon ng kaibigan nang makita niya itong hinahanap siya. Kaagad naman siyang nilapitan nito. "Ano, nakuha mo ba?" tanong nito.
"Oo. Halika na," wika ni Jacob na nagmamadaling inilagay sa bag ang hawak na diary habang sila'y naglalakad papalayo sa faculty.
03/19/2016
Dear Diary,
Maraming nag-akalang baliw ako. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko sa tuwing may taong hahawak sa akin ay nakikita ko ang kahindik-hindik na mangyayari sa kanila sa hinaharap.Ngunit sa tuwing sinasabi ko ang mga mangyayari sa taong nakakasalamuha ko nilalayuan nila ako. Wala akong matakbuhan o masabihan ng kahit na sino. Gusto kong kumawala sa sumpa. Ngunit paano? Sino ang maaaring makatulong sa akin?
Matthew
Ito ang mga sumunod na nakasulat sa pahina ng diary. Nang mabasa ito nina Jacob at Natasha ay naramdaman nila ang awa kay Matthew. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang bench sa loob ng paaralan kung. Tila dumadaan ito sa matinding depresyon noong ito ay nabubuhay pa lamang. Ito marahil ang naging dahilan kung bakit siya nagpakamatay. Ngunit ang ipinagtataka ng dalawa ay bakit ganoon na lamang ang pagprotekta ni Alex sa diary ni Matthew?
"Hindi ito isang simpleng pagkamatay lang, malakas ang kutob ko na may kinalaman si Sir Alex sa pagkamatay ni Matthew." ito ang naging konklusyon ni Jacob matapos mabasa ang sumunod na pahina.
"Pero hindi natin puwedeng pagbintangan si Sir Alex nang ganoon lang, we need proof. At saka kita naman sa mga sinulat ni Matthew na may pinagdadaanan siya ng mga panahong ito,"tugon naman ni Natasha.
"I know, pero hindi ka ba nagtataka? Bakit hawak ni Sir Alex ang diary ni Matthew?" tanong ni Jacob.
"Iyon ang kailangan nating malaman,"wika naman ni Natasha,
"Ang mabuti pa, ako muna ang magtatago sa diary."
"No! Ako na lang. Gusto ko ring malaman kung bakit niya ako ginugulo, surguro kapag nasa akin ito ay matutuklasan ko kung anong gusto niyang ipahiwatig." pagkasabi noo'y kaagad na isinara ni Natasha and diary at isinilid sa loob ng kanyang bag.
"Sigurado ka ba, Nats?" nag-aalalang tanong ni Jacob.
"No. P-pero alam ko kailangan kong gawin ito," nabuo man ang takot sa dibdib ni Natasha ang naisip niyang kailangan niyang laksan ang loob niya.
"Sige. But just in case you need my help, you can call me right away,"wika ni Jacob. Isang malalim na ngiti ang itinugon ni Natasha.
Nang hapon ding iyon, oras ng uwian, ay sabay na naglakad papalabas ng paaralan si Natasha at Jacob. Mabuti na lang at hindi nakahalata si Alex na kinuha nila ang diary dahil hindi sila nito sinita. Naisip kasi ni Alex na hindi na ito babalaking kuhanin ng sino man dahil sa ginawa ni Natasaha kanina lamang. Nakampante naman ang dalawa kaya hindi na sila nag-isip na baka sitahin na naman sila nito. Nag-aabang naman silang dalawa sa harap ng paaralan, susunduin kasi si Natasha ng driver nito habang si Jacob naman ay dala ang kanyang bisikleta. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin ang sasakyan na susundo kay Natasha.
"So paano? Magkita na lang tayo bukas?" ngumiti si Natasha habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Sige, mag-iingat ka,"wika ni Jacob at pinagbuksan si Natasha ng pinto ng sasakyan.
Sumakay si Natasha sa sasakyan. "Ikaw rin,"wika nito bago isara ni Jacob ang sasakyan.
Habang nasa sasakyan ay hawak ni Natasha ang diary ni Matthew. Tiningnan niya ito nang mabuti ngunit wala pa siyang lakas ng loob na basahin ang kasunod na pahina. Gusto niyang malaman ang kasagutan sa pagkamatay ng binatilyo ilang taon na ang nakakaraan. Ngunit habang nasa sasakyan ay napansin niyang ibang direksyon ang pinupuntahan nila. Hindi ito ang kadalasang dinaraanan nila kapag papasok at uuwi siya ng bahay kaya nagtanong siya sa kanyang driver.
"Manong, saan tayo pupunta?" tanong niy ngunit parang walang naririnig ang taong nagmamaneho. "Manong, answer me? Saan tayo pupunta?" muli nitong tanong ngunit walang kahit anong tugon itong narinig.
"Manong!" nanginginig na sa takot si Natasha. Pakiramdam niya ay na-kidnap siya ng driver. Ngunit mali ang akala niya nang mapansin niyang umikot ang ulot ng taong nagmamaneho at humarap ito sa direksyon niya. Isang pamilyar na mukha ang nakita niya. Ngunit ang mukhang iyon ay nanlilisik ang mga mata, maputla at may mga ugat sa mukha. Tumayo ang balahibo niya sa nakita at napasigaw si Natasha.
”Dadalhin kita sa impyerno!"si Matthew.