Chapter 4.1

1554 Words
          Tahimik lang na pumasok si Natasha sa silid-aralan, nanibago ang lahat sa ikinikilos ng dalagita. Ugali kasi ni Natasha na batiin ang mga kaklase sa tuwing papasok siya sa silid-aralan ngunit ngayon ay parang hangin lamang ito na dumaan sa harap ng mga kaklase niya at dumiretso sa sa upuan niya.             "Nats, okay ka lang?"                      Isang kaklase niya ang lumapit sa kanya nang mapansin itong tulala na parang may malalim na iniisip. Hindi kaagad nakasagot si Natasha. Sa halip, ay tinitigan muna niya ang kaklase bago ito sumagot. Nag-iisip kung anong sasabihin sapagkat hindi rin niya alam kung nasa maayos ba siyang kalagayan matapos ang kahindik-hindik na nangyari sa kanya kagabi. Kung sasabihin naman niya ang tungkol dito ay baka pagtawanan lamang siya at hindi paniwalaan.             Ngumiti lang siya sa kaklase at tsaka nagwika. "O... oo, okay lang ako,"pagsisinungaling niya. Nginitian na lamang siya ng kaklase bago ito tinapik sa balikat. Kailangan niyang umakto na parang walang nangyari upang hindi mahalata na mayroon siyang itinatagong takot. Isa lang ang taong makakaintindi sa kanya ng sitwasyon niya, si Jacob.             Ilang minuto rin ang lumipas ay dumating si Jacob ngunit bago pa man ito makarating sa kanyang upuan sa loob ng silid-aralan ay kaagad itong nilapitan ni Natasha.             "Jacob, we need to talk."             "Ha? Bakit?" kumunot ang noo ni Jacob. Nagtataka dahil ito ang naging bungad sa kanya ni Natasha.             "Basta!"             "Teka! Saan ba..." bago pa man maituloy ni Jacob ang sasabihin ay nakaladkad na ito ni Natasha papalabas ng silid-aralan. Nabigla ang lahat ng nasa loob dahil sa inasal ni Natasha. Hindi nila maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang naging aksyon nito matapos na makita si Jacob. Nagkaroon ng bulung-bulungan ang klase, iniisip nila na may hindi pagkakaunawaan ang dalawa kaya ganoon ang naging akto ni Natasha.             Dinala ni Natasha si Jacob sa corridor kung saan walang dumadaan at tanging sila lang ang tao. Nawala ang pagkabalisa ni Natasha ngunit halata sa mga mata nito ang pangamba. Muli na naman  nitong kinutingting ang daliri, doon na nakahalata si Jacob.           "Nagpakita na naman ba siya sa iyo?" sigurado si Jacob sa iniisip.             "Oo, kagabi. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing alas tres ng madaling araw ay nagigising ako at ang oras na 'yon, doon siya nagpapakita. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari Jacob. Natatakot na ako! Ayaw niya ako patahimikin. Anong gagawin ko?" nanginginig sa takot si Natasha at hindi niya magawang tumingin ng diretso kay Jacob. Hinawakan ni Jacob ang kamay ni Natasha. Binalot ito sa kanyang palad upang maibsan ang kaba. Ngunit balewala ito. Mas lumala ang kabang nararamdaman nito dahil hindi pa rin nawawala sa kanyang utak ang hitsura ni Matthew nang makita niya ito kaninang madaling araw.             "Stop worrying, Nats. I'm here to protect you,"wika ni Jacob at niyakap si Natasha nang mahigpit. Sa pagkakataong 'yon naramdaman ni Natasha ang pagmamalasakit ng kaibigan sa kanya. Naramdaman niyang unti-unting nawawala ang takot sa kanyang damdamin.             Ilang saglit lang ay bumitaw si Natasha sa pagkakayakap kay Jacob. Ngumiti ito, tiningnan si Jacob. Sa kabila ng lahat ay nabanaag pa rin sa kanyang mukha ang takot ngunit ipinagpapasalamat na lamang niya na nasa tabi niya si Jacob at hindi siya nito iniiwan.             "Anong gagawin ko? Hindi niya talaga ako titigilan. Parang sa lahat ng oraas nakasunod siya sa akin," wika ni Natasha. Ramdam ni Jacob ang takot sa mga mata nito. Mabilis siyang nag-isip ng paraan.             "Kailangan nating makuha ang diary ni Matthew kay Sir Alex. Sa ganoong paraan malalaman natin kung ano ang paraan upang layuan ka na ni Matthew,"abiso ni Jacob. Alam niya kung gaano kapeligro ang binabalak nila ngunit kailangan nilang gumawa ng paraan upang layuan ni Matthew si Natasha.             "Pero paano natin makukuha 'yon?"             "I have plan, sundin mo lang ang sasabihin ko mamaya."             Bigla namang tumunog ang bell ng paaralan. Hudyat na magsisimula na ang klase. First period nila si Alex kaya naman mas lalong kinabahan si Natasha. Malamang pupuntiryahin na naman siya nito dahil sa nangyari. Ngunit kailangan niyang tatagan. Sino nga namang estudyante ang maglalakas-loob na pumasok sa klase ng gurong may galit sa estudyante niya? Si Natasha lang. Kung ang karamihan sa kaklase niya ay hindi na pumapasok sa klase ni Alex dahil sa napag-initan niya ito, iba si Natasha. Hindi niya isusuko ang pag-aaral dahil lang sa takot ng guro sa kanya at isa pa may misyon siyang dapat tapusin. Bago pa man makapasok sa pintuan ng silid-aralan sina Jacob at Natasha ay hinawakan ni Jacob si Natasha sa magkabilang balikat. "Relax ka lang, huwag kang matakot. Nandito lang ako." pagpapakalma ni Jacob kay Natasha. Isa rin sa nagpalakas ng loob ni Natasha ay ang suportang ipinapakita ng kanyang kaibigan. Ramdam niyang ligtas siya hangga't nariyan ang kaibigan. Pinanghawakan ni Natasha ang mga sinabing iyon ni Jacob bago sila pumasok sa klase. Umupo si Natasha sa upuan niya, nasa pangalawang hilera ang kanyang mesa na malapit sa pisara kaya siguradong makikita siya ni Alex kapag pumasok na ito sa klase. Si Jacob naman ay nasa likurang hilera malapit sa bintana kaya tanaw na tanaw niya si Natasha. Titig na titig ito kay Natasha, pinapakiramdaman ang magiging reaksyon nito sa oras na pumasok na ang guro nilang si Alex sa klase. Ilang saglit lang ay dumating na ang guro sa silid-aralan. Lahat ay nagsitahimik at pumunta sa kanya-kanyang upuan. Wari mo'y mga sundalong inayos ang sarili nang makita ang nakatataas. Ito ang madalas na senaryo sa tuwing darating si Alex sa klase. Tinagurian nila itong terror teacher dahil sa bagsik nito ngunit kapag ito ay nasa klase ay sinisigurado niyang natututo ang mga estudyante niya. Hindi ganito ang ugali ni Alex noong unang nagturo ito sa unibersidad. Nagsimula lang itong maging mahigpit nang sabihan ito ng punungguro ng paaralan na kailangan nitong galingan sa pagtuturo dahil kung hindi ay matatanggal siya sa trabaho. Noong una kasi'y napakabait niya sa kanyang mga estudyante ngunit naabuso siya ng mga ito. May mga pagkakataong lumiliban na lang ang mga ito sa klase at nagiging kampante dahil alam nilang ipapasa naman ni Alex ang mga ito. Nabalitaan ito ng isa sa may-ari ng unibersidad at nagbigay ng babala kay Alex. Simula nang araw na 'yon ay hindi na kinaibigan ni Alex ang mga estudyante at sa halip ay nagpakaguro ito sa kanila sa loob man o sa labas ng silid-aralan.                       "Good morning, class!" tila wala sa mood na bati ni Alex nang makita niya si Natasha sa klase niya. Ngunit ikinagulat niya rin ito dahil ito ang unang pagkakataon na may estudyante siyang ipinahiya ngunit pinili pa ring pumasok sa klase niya.             "Good morning, sir!" sabay-sabay ang boses ng mga estudyante.             Dumako ang tingin ni Alex sa kinaroroonan ni Natasha. "You're here! Buti naman at hindi mo binitawan ang klase mo sa akin, Natasha," wika ni Alex. Ngunit bago pa man makatugon ang dalagita ay nagsalita na agad si Alex. "Anyway, open your book on page 29." Kaagad namang kinuha ng mga estuyante ang mga libro nila at binuklat sa pahinang sinabi ng guro. Alam na nila kung anong libro ang kukuhanin nila at hindi na kailangang sabihin ni Alex dahil nakalagay na naman sa kanilang manual books ang schedule nilang magkakaklase. Science ang subject na itinuturo ni Alex sa klase nina Natasha. Nagsimula na muling magklase si Alex. Lahat ay nakikinig nang mabuti sa guro nilang si Alex. Habang patuloy ang diskusyon ni Alex ay nakatitig naan si Jacob sa kaibigan nitong si Natasha, pinapakiramdaman ang ikikilos nito na wari mo'y may iniisip. Ngunit hindi niya napansin na nasa harapan na pala niya si Alex.             "Jacob, are you still listening or you want to get out?" nagulat si Jacob.             "Y...yes, sir. Sorry," wika ni Jacob at ipinagpatuloy na lang ni Alex ang pagtuturo.             Nang matapos ang klase nina Jacob at Natasha ay magkasama silang kumain ng tanghalian sa cafeteria sa labas ng paaralan. Minabuti nilang dito mananghalian upang walang maging hadlang sa plano. Pinag-usapan nilang dalawa ang planong pagkuha ng diary kay Alex at ito ang naisip na plano ni Jacob...             "You need to distract sir Alex. I will go inside the faculty to find that diary," wika ni Jacob. Nakuha naman agad ni Natasha ang ideya ng kaibigan kaya naman kaagad itong tumayo, inayos ang gamit at huminga nang malalim.             "Okay, let's go!" napangiti naman si Jacob. Halata sa mga mata ni Natasha na lumakas ang loob nito. Marahil ay gusto na rin niyang masagot ang katanungan kung bakit siya ginugulo ni Matthew. "Ano pang hinihintay mo riyan? Tara na,"saad ni Natasha nang makitang hindi pa rin tumatayo si Jacob sa kinauupuan at nakatitig lang sa kanya habang nakangiti.             "Let's go!" kaagad na tumayo si Jacob at hinawakan ang kamay ni Natasha pagkasakbit ng bag niya. Nagmamadaling lumabas si Jacob habang hawak pa rin ang kamay ni Natasha. Sa mga oras na 'yon ay nakaramdam si Natasha ng mabilis na pintig ng kanyang puso habang hawak ni Jacob ang kanyang kamay. Nakatitig lang siya kay Jacob na nasa harap lang niya habang tumatawid. Hanggang sa makarating sila sa faculty ay nagmasid si Jacob sa paligid. Tiningnan niya ang loob kung may tao. Lunch break din ng mga guro kaya eksakto namang walang katao-tao sa loob.                                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD