Chapter 45

2050 Words

             Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising si Lanie. Nakaramdam siya ng malamig na hangin na tila dumadampi sa kanyang paanan. Kakaiba ang hanging iyon sapagkat ang lamig nito ay tila ba nagpapahiwatig ng isang  kakaibang presensya. Bukod kasi sa lamig na tinataglay nito ay para bang nagagawa ng hangin na iyon na patayuin ang kanyang balahibo. Sa pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakarinig siya ng isang pamilyar na tinig. Paulit-ulit ang tinig na iyon na nagmumula sa bintana.                "Mama... mama..." wika ng tining na paulit-ulit at nag-e-echo.                "Wesley?" Bumangon siya. Hinanap kung nasaan nanggagaling ang tinig. Hanggang sa mapansin niyang parang may isang aninong nasa labas ng bintana. Ngunit hindi siya sigurado kung sino iyon. Ang alam lang niya ay ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD